Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Crisologo, anak, 44 supporters, pinalaya ng piskalya (Pinigil sa pulisya)

PINAWALAN ng Quezon City Police District (QCPD) si Quezon City Mayoralty candidate 1st District congressman Vincent “Bingbong” Crisologo, anak niyang abogado, at 44 supporters maka­raang ipag-utos ng Quezon City Pro­secu­tors’ Office dahil sa kakulangan ng ebiden­siya para sa kasong vote buying.

Ayon kay Assistant City Prosecutor Felomina Apostol Lopez, nakita niyang walang sapat na ebidensiya ang pulisya sa pagsasampa ng kasong vote buying laban sa kandidato at sa anak nitong si Atty. Frederick William,  kaya inilagay ng piskalya ang kaso sa status na “for further investigation.”

Bukod sa mag-ama, ipina-utos din ang pagpa­palaya sa 44 suporter ng mambabatas dahil rin sa kakulangan ng ebi­den­siya.

Sa ulat ng QCPD, inaresto ng mga operatiba ng Talipapa Police Station 3 ang mag-ama at 44 suporter sa isang bahay sa Brgy. Bahay Toro makaraang makatang­gap ng impormasyon na may nagaganap na vote buying na kinasa­sang­kutan ng mga akusado dakong 7:30 pm kama­kalawa (12 Mayo 2019).

Pinosasan at dinala sa QCPD Criminal In­ves­tigation and Detection Unit (CIDU) sa Kampo Karingal, ang mag-ama maging ang mga suporter na kina­bibilangan ng poll watchers.

Samantala, mariing pinabulaanan ng mag-amang Crisologo ang akusasyon ng vote buying.

Ayon kay Bingbong, nagtungo sila sa lugar dahil may tumawag sa kanilang tagasuporta at ipinagbigay-alam ang insidente nang pag-aresto sa kanilang mga watcher.

Agad tinungo ng mag-ama ang kanilang mga supporter para alamin ang nangya­yayari pero inaresto at pinosasan sila ng mga operatiba. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …