Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, nagpaka-ina sa Ex Battalion

HAGALPAKAN ang namutawi sa matagumpay na premiere night ng Sons of Nanay Sabel na pinagbibidahan ni Ai Ai delas Alas kasama ang Ex Battalion noong Lunes ng gabi sa SM Megamall.

Punumpuno at ‘di magkamayaw ang fans ni Ai ai at ng Ex Battalion kaya naman kitang-kita ang kasiyahan sa mga bida sa tagumpay ng kanilang pelikula.

Iniurong ang showing ng SONS mula sa May 1 sa May 8 na tamang desisyon ng Viva Entertainment dahil pagpapatiwakal ang sumabay sa showing ng Avengers: Endgame na last week pa nag-showing, pinipilahan pa rin ito hanggang ngayon.

Umokey naman si Ai Ai sa desisyong ilipat ang showing ng kanilang pelikula dahil aniya sa isang interbyu, “Para naman mas malapit din sa Mother’s Day. Kasi ideal na pang-Mother’s Day talaga ang pelikula namin. Kuwento ito ng isang inang napahiwalay sa kanyang mga anak at kung paano niya pinagsikapang buuin uli ang kanilang pamilya.”

Sa pelikula’y kitang-kita muli ang pagka-ina ni Ai Ai sa anim niyang anak na bagama’t lumaki sa iba’t ibang tao’y napagsikapan ni Ai Ai na magkasundo. Tulad ng mga pelikulang nagawa na ni Ai Ai ukol sa ina, ganoon rin ang makikita sa pelikulang SONS bagamat anim na singer ang kasama niya ngayon at nilahukan ng mga awiting akma sa pelikula.

Ang Sons of Nanay Sabel ay isinulat ni Mel del Rosario na siya ring sumulat noon ng Ang Tanging Ina  at idinirehe ni Dado Lumibao.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …