Thursday , December 26 2024

Bagong OFWs gov’t agency, nararaparat; “tarahan” sa BoC X-Ray

HINDI lingid sa kaalaman natin na dumarami ang bilang ng overseas Filipino workers (OFWs). Isa kada 11 Pinoy ang nagtatrabaho at nagtitiiis sa ibang bansa.

Ngunit, protektado ba sila ng gobyerno lalo na ang mga biglaang napauuwi dahil nasarahan ang kanilang kompanya sa pagkalugi?

Protektado ba sila para sa tulong pinansiyal ng gobyerno?

Ngayon, dahil sa kinahaharap na problema ng OFWs, tama lang ang panukala ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na kailangan ang dagliang paglikha ng Department of Overseas Filipino Workers (DOFW).

Aniya, layunin ng DOFW na matiyak at maprotektahan ang kapakanan ng  OFWs.

Hindi ba mayroon nang mga ahensiya para sa OFWs? Tama! ‘Ika ni Koko, pero paliwanag ng reeleksyonistang Senator mula Mindanao… ”We’re talking about scale here. Yes, we have the POEA and the OWWA, but both these government agencies are already understaffed to meet the growing number and demands of our OFWs.”

“For instance, OWWA has already complained in 2018 that it has just 420 staff worldwide, 300 locally and 120 abroad, addressing the concerns of 10 million OFWs. A dedicated executive department for our foreign workers is the solution,” dagdag ni Pimentel.

Kunsabagay, totoo iyan Sen. Koko. Sa rami nang hinahawakang kaso ng OWWA, POEA, etc., hindi na nila naaasikaso ang lahat. Kung hindi pa nga tatakbo sa media ang mga OFW ay hindi sila naasikaso agad.

Binanggit din ng mambabatas ang mga ulat na mawawalan ang Filipinas nang halos $1.5-B halaga ng remittances sanhi ng tinatayang 10-15% pagbaba ng pagpapadala ng overseas Filipino workers partikular sa Gitnang Silangan sanhi ng pagbagsak ng presyo ng langis sa world market.

Sa ulat, aabot sa 100,000 trabaho para sa mga OFW ang mawawala sanhi ng masamang sitwasyong pinansiyal ng mga bansa sa Gitnang Silangan.

“That’s a big number, considering Saudi Arabia is the most preferred country of destination among OFWs at 25.4%, according to the Philippine Statistics Authority. Other Middle East countries such as the United Arab Emirates and Kuwait follow suit at 15.3% and 6.7%, respectively,” ani Pimentel.

Isinumite ng Senador noong 10 Mayo 2017 ang Senate Bill 1445 o ang “An Act Creating the Department of Overseas Filipino Workers, Defining its Powers and Functions, Appropriating Funds Therefor, and for Other Purposes.”

Sa situwasyong ito, napapanahon nang lumikha ng bagong ahensiyang tutulong sa OFWs. Kapag, may bago hindi lang mapapabilis ang lahat, sa halip lalong bibilis ang lahat ng pagtulong dahil magpapasiklaban ang mga nabanggit na ahensiya lalo ang bagong buong DOFW.

Sa puntong ito, OFWs ang makikinabang kapag nagkaroon ng bagong ahensiya, mapapabilis ang lahat dahil may katulong na ang OWWA at POEA. Bukod sa tiyak na magpapasiklaban ang mga ahensiya. Kaya, OFWs ang makikinabang ng pasiklaban nila. Hehehe…

 

Tarahan sa BOC

‘IKA nga, kung gugustuhin, lahat ay gaga­win. Iyan ang napakagagaling na diskarteng bopols ng ilang tiwali sa BoC X-Ray Division ng Manila International Container Port (MICP).

Ang BOC ay pinamumunuan ni Comm. (Ret.Gen.) Rey Leonardo  Guerrero.

Heto ang isang estilo ng ilang taga X-Ray Div.

Kuwento ng isang broker, nitong nagdaang linggo dumating ang kanyang container na may lamang general merchandise. Walong uri ng mga pantindang gadget ang laman ng kanyang ‘lata.’

Nang dumaan sa X-Ray Division, pinigil ang  container dahil sa nakitang dalawang kakaibang image, iyon pala may napasamang dalawang rolyo ng liha. Agad naman ipinaalam ng X-Ray Division sa broker na may paglabag ito, dahil hindi nakasama sa listahan ang dalawang rolyo ng liha.

Nang magpaliwanag si Mr. Broker, aba’y agad pinatutubos ang container ng P100K para wala nang abala. Ha?! Dalawang rolyo P100k! Mas mahal pa sa legal na buwis.

Kung ikaw  ang broker maglalabas ka ba ng P100k para sa dalawang rolyo ng liha? Puwede naman talagang sumuka ng P100K ang broker dahil ang halaga ng mga laman ng container ay aabot sa P2M.

Pero nagbayad na siya ng kaukulang taxes at duties para rito, kaya para saan ang P100K para sa dalawang rolyo ng liha? Hindi ba tama na ang ibinayad na taxes at duties para sa laman ng container? Napakalaki namang buwis ang P100k para sa dalawang rolyo ng liha.

Comm. Guerero, ano ito? Nasaan na ang kampanya ninyo laban sa mga tiwali sa BoC? Drawing lang ba ang lahat? Paki-aksiyonan ito.

Nga pala, Biyernes na naman bukas, ‘ika nga it’s “monggo” day para sa mga tiwali sa X-Ray Division.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *