Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman man

Producer, umatras igawa ng pelikula ang sikat na aktor at aktres

NAGDALAWANG-ISIP ang producer ng pelikulang pagsasamahan sana ng sikat na aktres at aktor kasama ang baguhang aktor na may pangalan na rin sa larangan ng pelikula dahil isa siya sa busiest sa mga panahon ngayon.

Kaya nagdalawang-isip ay dahil ang sikat na aktor na leading man ng sikat na aktres ay maganda ang resulta sa box office ang mga pelikula, bukod dito ay baka mapag-iwanan siya pagdating sa pag-arte.

Samantalang ang baguhang aktor na makakasama ay nag-aalangan din ang producer kung tanggap siya bagong ka-loveteam ng sikat na aktres dahil nga baby face.

Ang ganda sana ng takbo ng kuwento na magkarelasyon ang sikat na aktor at aktres hanggang magkakagusto ang huli sa baguhang aktor at dito magsisimula ang conflict ng istorya.

Naisip din namin na parang sintunado o walang chemistry ang sikat na aktor at aktres gayundin sa baguhang aktor.

Ang ending, hindi pa natutuloy ang movie project ng tatlo dahil ang producer ay humihingi pa ng payo sa mga kasosyong producer din.

(Reggee Bonoan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …