Friday , April 25 2025
Stab saksak dead

Welder sinaksak ng kabaro todas

PATAY ang isang welder matapos saksakin ng kapwa welder makaraan ang mainitang pagtatalo sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Dead on arrival sa Ca­loo­can City Medical Center (CCMC) ang biktimang kinilalang si Ronel Languita, 23 anyos, residente sa West Avenue, Brgy. Bungad, Quezon City sanhi ng mga saksak sa katawan.

Kinilala  ni Caloocan police chief P/Col. Restituto Arcangel ang suspek na si Joshua Flores, 21 anyos, ng Tondo, Maynila na agad na naaresto sa follow-up operation ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 2 ilang metro ang layo sa pinangyarihan ng insi­dente.

Batay sa pahayag sa pulisya ng saksing si Rogie Zabala, dakong 3:15 am nang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng suspek sa kahabaan ng J Teodoro St., Brgy. 48.

Sa kainitan ng pagtatalo, biglang naglabas ng patalim si Flores at inundayan ng saksak sa katawan si Languita bago mabilis na tumakas patungo sa Rizal Avenue Ext., habang isinugod ang biktima ng nagrespondeng si Brgy. 48 Chairman Ronald Reyes sa naturang pagamutan.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Neri Colmenares

Ebidensiyang hawak malakas — Colmenares
PROSEKUSYON KOMPIYANSA, VP SARA TALSIK SA PUWESTO

TIWALA si dating Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares na mapatatalsik sa puwesto si Vice …

042425 Hataw Frontpage

10 pulis-QC sibak sa ibinangketang ‘Marijuana’

ni ALMAR DANGUILAN SINIBAK sa puwesto ang sampung pulis ng Quezon City Police District (QCPD) …

Vico Sotto

Mayor Vico Sotto, Pinipilit na Magbigay ng Solusyon sa mga Isyu ng mga Konsehal

MATAPOS ang mga kamakailang protesta mula sa publiko, ang Alkalde ng Pasig City na si …

Joey Salceda

Mahahalagang benipisyong pamana ni Salceda para sa mga Seniors

LEGAZPI CITY – Mahalagang mga benepisyo para sa mga ‘Senior Citizens’ (SC) ang iiwanan ni …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *