Friday , April 18 2025

May 2019 elections ibalik sa manual

NANINDIGAN ang ilang information technology o IT experts at mga grupo ng electoral reforms advocates na ibalik ng Commission on Elections sa manual na bilangan ang isasa­gawang May 2019 national and local elections.

Sa ginanap na Mata sa Balota 2019 Media Forum, sinabi ni Dr. Nelson Celis, chairman ng Automated Election System Watch at IT expert na mas makabubuting gawin na lamang manual ang halalan sa 13 Mayo dahil wala nang kredibilidad ang automated election service provider na Smartmatic.

Inihalimbawa ni Celis ang mga bansang dating gumagamit ng Automated Election na bumalik sa manual counting gaya ng Germany, Netherlands at iba pang mayayamang bansa sa Europa.

Naniniwala si Celis na kahit na may­roong Automated Election Law dahil sa maraming paglabag ng Smartmatic ay maaari nang ibalik sa mano- mano ang bilangan upang magkaroon ng malinis at tapat na halalan.

Anang grupo, upang mawala ang duda ng publiko sa automated election ay kailangan alisin ang Smartmatic lalo’t isa sa mga opisyal ng Smartmatic ay aminadong nagkaroon ng iregularidad sa transmission ng bilangan ng balota noon na ginawa sa “meeting room.”

Samantala, sinabi ni Dr. Mike Aragon, ang Mata sa Balota 2019 Media Forum ang nagsampa ng kaso laban sa executive ng Smartmatic na si Marlon Garcia, dating Comelec chairman Andres Bautista at dating PPCRV chairman Tita De Villa dahil sa mga naganap na anomalya at iregularidad sa mga nakaraang halalan.

(ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *