Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo, clingy kay Maine: I love her company so much

NASA taping kami ng Magandang Buhay nitong Huwebes na si Arjo Atayde (umere kahapon, Lunes) ang special guest nina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal. Inamin ng aktor na sobra siyang clingy sa babaeng idine-date niya, si Maine Mendoza.

Base sa kuwento ng aktor sa MB hosts kung paano niya ipinakikita ang pagmamahal niya kay Maine, “Quality time. Clingy ako, eh. Clingy akong tao. I love her company so much. So it’s always something I look forward to and I’m very thankful for.”

Nabanggit din ng bida ng Bagman at leading man ni Jessy Mendiola sa Stranded na lumang estilo ang panliligaw niya at nakaramdam ng nerbiyos nang magpakilala siya sa magulang ni Maine.

”Of course, mayroon (nerbyos), since its new. May kaba all the time. ‘Pag humaharap sa family,” pag-amin ng binata.

Humirit si Karla ng tanong kay Arjo kung may kaba pa ba, eh, magkarelasyon na sila ni Maine?

Ang bilis ng sagot ng aktor, “Dating, It’s still there. The fun thing about a relationship, hindi ka puwedeng tumigil sa pagliligaw.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …