Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

2 sangkot sa droga arestado 

ARESTADO ang dala­wang hinihinalang sang­kot sa ilegal na droga sa isinagawang buy bust operation laban sa illegal selling of firearms am­munition sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni District Special Operation Unit (DSOU) P/Lt. Melito Pabon ang mga naares­tong suspek na si Raymond Mirabel, 30 anyos, at Paulo Magalo, 18anyos kapwa taga-Market 3, Brgy. NBBN.

Batay sa ulat ni P/Cpl Mark Jhovie Sales, dakong 4:00 pm nang isagawa ng pinagsamang mga tauhan ng NPD-DSOU at Navotas Police sa pangangasiwa ni P/Col. Rolando Balasabas ang buy bust operation sa pangunguna ni PLT Pabon kontra sa mga suspek sa Market 3, Brgy. NBBN matapos ang na­tan­ggap na ulat na ilegal umanong nagbebenta ng mga bala ng baril.

Matapos iabot ng mga suspek ang 10 piraso ng bala ng cal. 40 sa isang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P300 marked money, agad lumusob ang iba pang mga opeeratiba at ina­resto si Mirabel at Mag­alo.

Nang kapkapan, nakompiska sa mga suspek ang walong plastic sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu, dalawang sachet ng hihinalang pinatuyong dahon ng marijuana at buy bust money.

Kasong paglabag sa RA 10591 in relation to Omnibus Election Code at RA 9165 sa Navotas City Prosecutor’s Office ang isinampa laban sa dalawang suspek.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …