Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

67 dinakip sa SACLEO

UMABOT sa 67 katao ang hinuli ng Pasay City Police sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO), nitong Sabado ng gabi.

Bandang 11:30 pm nang ipresinta sa media ni Pasay City Police chief PLtCol. Bernard Yang, ang mga hinuling  suspek kabilang ang isang may standing warrant of arrest sa kasong frustrated murder na kinilalang si Rodrigo dela Cruz, nasa hustong gulang.

Base sa ulat, nasa 12 katao ang nakompis­kahan ng 36 pakete ng umano’y shabu na nagka­kahalaga nang mahigit P30,000.

Bukod kay Dela Cruz, isang senior citizen na may kasong pangha­halay sa isang menor de edad, habang 40 iba pa ang lumabag sa iba’t ibang ordinansa.

Masusing beripi­kasyon ang isinasagawa ng pulisya sa mga nahu­ling suspek upang matu­koy kung may kinaka­harap na kaso.

Ipinasa ang mga nahuli sa tanggapan ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMS)  sa ila­lim ng pamumuno ni P/Major Wilfredo Sangel para sa kaukulang im­bes­tigasyon.

 (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …