Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Stab saksak dead

Pedicab driver tigbak sa tarak

PATAY ang isang mister matapos pasukin at pagsasaksakin ng kapwa pedicab driver na lagi umanong binu-bully ng biktima sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Roderick Depaz alyas Michael, 41-anyos, res­idente sa Santo Niño St., Brgy. Concepcion sanhi ng mga saksak sa tiyan habang pinaghahanap ng mga pulis upang maa­resto ang suspek na si Benjie Claro, nasa hustong gulang.

Lumabas sa imbesti­gasyon nina PSSgt. Julius Mabasa at PSSgt. Richard Andrew Calaycay, da­kong 4:15 am nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima matapos pasukin ng suspek na armado ng patalim.

Sa pahayag sa pulisya ng anak ng biktima na si Marco, narinig niya ang kaguluhan kaya agad siyang bumaba at nakita niya sa akto ang pana­naksak ng suspek sa kanyang ama.

Nang tangkain nitong tulungan ang ama ay mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksiyon dala ang ginamit na patalim.

Napag-alaman ng pulisya, lagi umanong binu-bully ng biktima ang suspek tuwing nalalasing gayonman inaalam pa ng pulisya ang nasa likod ng insidente.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …