Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Charo Santos at Bea Alonzo parehong maninindak sa horror movie nilang “Eerie”

Since mag-umpisa ang showbiz career ni Bea Alonzo, 18 years ago, ay hindi pa nakagawa ng horror film ang aktres dahil nalinya siya sa mga romantic comedy at drama katambal ang semi-retired na actor na si John Lloyd Cruz. Na-master na marahil ni Bea ang mga karakter sa drama at rom-com kaya tumanggap na siya ng horror film, ang Eerie na idinirek ni Mikhail Red, kasama ang iniidolo niyang multi-awarded actress na si Ms. Charo Santos – Concio.

Ayon kay Bea, ay isa raw ang former presidente at CEO ng ABS-CBN sa mga pangarap niyang makatrabaho batay na rin sa kuwento niya sa nakaraang Eerie mediacon na ginanap sa ABS-CBN Studio Experience sa Trinoma.

“Dream come true po para sa akin na makasama sa isang frame si Ma’am Charo. Honestly no’ng umpisa kinakabahan ako. Hindi ko alam kung paano.

Ano ba dapat expectations ko? Ibang pakiramdam ‘yun (makaharap). Parang nag-share kayo ng art, kayong dalawa. So, hindi ko makakalimutan itong experience na ito,” sabi ni Bea.

“And also first time ko rin na gumawa ng horror movie. My first time with Direk Mikhail Red. First time ko rin makasali sa festival.”

Ang Singapore Inter­national Film Festival na nagka­roon ng world premiere sa Capitol Theater nitong Disyem­bre ang binanggit ni Bea.

Sagot naman ni Ms. Charo sa papuri ni Bea: “Bea was only 13 years old when I met her. At talagang nasundan ko ang kanyang career. Isa siya sa mga hinaha­ngaan ko sa mga kabataang artista.

“I felt excited, and I really look forward to working with her. She’s a very intelligent and generous actress. She works hard. She comes to the set prepared. Pero, ‘pag break naman, nagbi-break din naman siya from her character. Yeah, she’s a true professional. Her attitude towards her craft is admirable.”

Napangiti si Bea sa sinabi ng dati niyang boss sa ABS-CBN. “Kinikilig ako. Gusto kong kumuha ng copies ng lahat ng mga interviews namin. Ipapa-frame ko nang malaki ang picture naming magkasama. Sino ba ang makapagsasabi na nakasama ko ang ‘Asia’s Best Actress’ sa isang pelikula.”

Ang Eerie ay joint venture ng Star Cinema at Cre8-(Singapore), Mediaeast at mapapanood na ngayong Marso 27. Kasama rin sa pelikula sina Jake Cuenca, Joy Apostol at Maxene Magalona-Mananquil.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …