Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kongresista sa Napoles list muling ilabas

MATUNOG na naman sa mga balita ngayon ang pangalan ni Janet Lim-Napoles, na binansagang “Pork Barrel Queen” na inakusahang kumurakot sa P10 bilyong halaga ng pondo ng taongbayan, kasama ang mga kasab­wat na senador at kongre­sista.

Naungkat itong muli nang magpahayag ng opinyon si Patricia Mo­reira, managing director ng Transparency Inter­national, isang pan­daigdigang organi­sa­syong sumusuri ng pana­naw ng mga tao tungkol sa korupsiyon sa pama­magitan ng “Corruption Perceptions Index.”

Ilan sa mga kongre­sista ay tumatakbo nga­yong eleksiyon kaya’t pinapaalalahanan na maging mapagmatiyag ang mga Filipino sa pagboto.

Hiling din ng grupo na dapat ay muling maila­bas ang listahan ng mga kandidato na sangkot sa mga pekeng foundation na naging ugat ng korup­siyon noong panahong namamayagpag si Napo­les. Grabeng pinsala ang idinudulot ng korup­syon sa isang demokrasya dahil nagbubunga ito ng isang “vicious cycle” na lalong nagpapahina sa mga sangay ng gobyerno at mga institusyong da­pat sana’y nagba­bantay kontra rito.

Iniulat din ng nasa­bing organisasyon, tu­mang­gap ang Filipinas ng score na 36/100 para sa taong 2018, katulad ng mga bansang Albania, Bahrain, Colombia, Tan­zania, at Thailand.

Bagaman bahagyang umangat ang score ng Filpinas mula 34 noong 2017, nababahala pa rin ang organisasyon dahil hindi man lang umabot sa kalahati ng 120 bansa sa buong mundo.

      (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …