Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Kalbaryo ng bayan ang TRAIN Law ni Sonny Angara

SA pagtakbo muli ni Senator Sonny Angara sa Senado, hindi dapat kalimutan na isa siya sa may-akda ng Tax Reform for Acceleration (TRAIN), na nagdudulot ng pahirap sa bayan.

Lahat ay apektado ng masamang dulot ng TRAIN law at bilang nagpapakilala sa mga botante, dapat akuin ni Angara na kabilang siya sa may utak ng kontrobersiyal na batas na dahilan kung bakit hindi mapigilan ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Kung babalikan natin, si Angara ang nagtrabaho para matiyak na maipasa ang TRAIN Law sa 17th Congress.

Naipasa ang kontrobersiyal na batas noong 2017 at sinimulang ipatupad noong Enero 2018.

Sa ilalim ng batas, pinatawan ng karagdagang buwis ang mga inuming may asukal at produktong petrolyo. 

Pinatawan ng excise tax na P2.50 ang lahat ng oil products noong 2018 at karagdagang P2 ngayong 2019.

Ang resulta, sunod-sunod at hindi mapigilan ang pagtaas ng presyo ng langis.

May palusot pa si Angara, na hindi ang TRAIN ang nagpapataas ng presyo ng produktong petrolyo kundi ang dikta ng world market.

Minamaliit ni Angara ang kakayahang mag-isip ng mga Pinoy.

Matagal nang batid ng mga tao na ang world market ang nagdidikta ng presyo ng langis.

Pero dahil sa TRAIN law, mas tumataas pa ang presyo ng mga bilihin. 

Magkano na ba ang itinaas ng langis dahil sa TRAIN Law? Umabot na ng P8 hanggang P10 kada litro.

Tama bang gantimpalaan pa si Angara ng reelection sa kabila ng kanyang pagiging utak ng TRAIN law?

‘Wag nating kalimutan ang bangungot na dulot ng TRAIN Law ni Angara.

 

PABOR TAYO KAPAG
NAWALIS ANG BUS
TERMINALS SA EDSA

ISA tayo sa mga natutuwa kapag nagtuloy-tuloy ang pagliinis ng bus terminals sa EDSA.

Pero hindi naman totally, wala. Dapat magkaroon lang ng isa bawat lugar sa EDSA.

Halimbawa, isa sa Cubao, isa sa Muñoz, isa sa Mandaluyong, puwede na ‘yun.

Pagkatapos ‘yung ibang bus ay mag-terminal na sa mga lugar na hindi makaaabala sa trapiko. 

Sana nga, ay malinis na ‘yang EDSA hanggang sa Hunyo — na siyang utos ng Pangulo.

At para matiyak ito, inaprobahan na ng Metro Manila Council (MMC), ang resolution na nagbabawal sa issuance ng business permits to sa lahat ng public utility bus terminals and operators at iba pang public utility vehicles along EDSA.

Sabi ni MMDA Chair, “Our direction is to remove all bus terminals along EDSA and relocate them in the outskirts of the metro to minimize traffic congestion,”

Naniniwala naman si MMDA general manager Jose Arturo “Jojo” Garcia, na luluwag ang trapiko sa EDSA kapag natanggal ang bus terminal sa EDSA.

Tayo man ay naniniwala diyan…umpisahan na po ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *