Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Bill waiver plan ipatutupad ng Manila Water (Ngayon lang nangyari sa kasaysayan)

FOR the first time sa kasaysayan ng maraming kompanya sa Filipinas, ngayon lang nangyari na magpatupad ng bill waiver plan ang isang 

water company.

This will probably be the largest voluntary revenue loss by a Philippine company for the sake of their customers.

Kahapon, ipinaabot sa atin ang plano ng east zone concessionaire Manila Water na bill waiver para sa mga customers na labis na naapektohan ng kasalukuyang water service interruption.

Ang waiver plan ay alinsunod sa patuloy na hakbang na ginagawa ng kompanya upang maibalik sa normal na operasyon ang supply ng tubig.

Alam naman natin na nakipagkonsultasyon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang Manila Water at pagkatapos no’n ang bill waiver ay naaprobahan.

Inaasahang ipapatupad sa susunod na buwan ng Abril ang nasabing bill waiver para sa mga nakaranas ng kakulangan at kawalan ng tubig ngayong buwan ng Marso.

Mismong si Ferdinand dela Cruz, ang Presidente at Chief Executive Officer ng Manila Water, ang nagsabing ang kanilang hakbang ay inaasahang makababawas sa nararanasang abala ng mga consumer dulot ng water interruption.

At bilang pagpapakita ng katapatan, ang kabuuang bill waiver ay nagkakahalaga ng P150 milyone. At sa totoo lang, ito ang unang pagkakataon na makararanas ng discount ang mga Metro Manila sa kanilang water bill.

Sa kasalukuyan, 97 porsiyento ng consumers ang nakararanas nang mas mahabang oras ng supply ng tubig kompara noong nakaraang linggo, matapos ipatupad ang rotational supply scheme simula 14 Marso 2019.

Lahat ito ay bahagi ng hakbang ng kompanya upang maibalik sa normal ang tubig sa mas maagang panahon, pagtitiyak ni Dela Cruz.

Kung hinti tayo nagkakamali, bago makuha ng Manila Water ang east zone noong 1997, nagkaroon ng matindi at samot-saring problema sa sistema tulad ng 26 porsiyento lamang ng populasyon ng lugar ang may 24 oras na supply ng tubig.

Kasi grabe ang tagas mula sa mga lumang tubo, meter tampering, at ilegal na koneksiyon na nagdulot din ng mataas na insidente ng konta­minasyon at mga sakit na nagmumula sa tubig.

Pero dahil sa Concession Agreement, ipinasa ng MWSS ang operasyon ng water utilities sa east one sa Manila Water.

Simula 1997, ang mga residente sa east zone ay nakaranas ng pagbabago sa kanilang tubig at serbisyo sa wastewater dahil sa hakbang ng Manila Water na palaguin ang pagbabahagi ng linya at bawasan ang system losses.

Mula sa dating 440 milyong litro kada araw noong 1997, nabawi ng Manila Water ang water losses at dahilan ito upang maibahagi ang 1.3 bilyong litro ng tubig kada araw sa 6.8 milyong residente.

Mula rito, halos 1.8 milyong residente sa mahihirap na komunidad ang nabigyan ng access sa malinis at abot-kayang tubig sa pamamagitan ng programa ng kompanya na Tubig Para Sa Barangay o Water for the Community.

Naku, ngayon pa lang nakikita na natin na parang piyesta ng San Juan kapag natanggap ng mga consumer ang kanilang “bill waiver plan.”

 

PAGGAMIT NG PEKENG
FOUNDATION AT BENEPISARYO,
ESTILONG KURAKOT!

PUTOK na naman sa mga balita ang pangalan ni Janet Lim-Napoles, na binansagang “Pork Barrel Queen” matapos kurakutin ang may P10 bilyong halaga ng pondo ng taongbayan, kasama ang mga kasabwat na senador at kongresista.

Sabi nila, “ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw” pero kung totoo ang mga paratang laban kay Napoles, ang sinungaling ay siya ring magnanakaw.

Gumamit umano si Napoles at ang mga buwayang senador at kongresista ng mga pekeng foundation, para paglagakan ng bilyon-bilyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel, na tinanggap ng mga pekeng benepisaryo.

Balikan natin ‘yung listahan ng mga kasang­kot diyan at baka nagkakalimutan na. Hahayaan ba ng taongbayang lumaya muli si Napoles?

Heto ang ilang mga bagay na dapat pag-isipan: Sabit pati mga senador at kongresista. Mismong pirma ng mga buwaya ang nasa dokumentong nagbibigay-pahintulot na ibigay ang limpak-limpak na pera ng taongbayan mga pekeng foundation, na sila rin naman ang kukubra.

Isa pa sa mga estilong ginamit ang paglilista ng mga benepisaryong pekeng foundation na pinondohan sa pamamagitan ng pork barrel. Kahit na mayroong mga pangalang tumanggap umano ng tulong mula sa pork barrel, maaaring nagpagamit at namorsiyento lang kapalit ang kanilang mga pangalan at pirma.

Mas malala kung tahasang ginamit ng mga may pakana ang kanilang mga pangalan at pirma nang walang pahintulot. Walang duda na tumiba sina Napoles at ang mga senador at kongre­sistang kakontsaba niya.

Pero sa kabila nito, ang kakapal ng mga pagmumukha nilang ipalista pa ang pangalan nila sa balota ngayong halalan.

Sabi nila: Kung walang apoy, walang usok. Kung mismong si Napoles na ang nagbunyag sa mga pangalan ng mga nakasabwat niya at tumanggap ng ganansiya, ipagkakatiwala mo pa ba ang boto mo sa kanila?

Mag-isip-isip tayo, mga kababayan. Dahil habang pinapaikot nila ang ating mga ulo, pinapaikot din nila ang kaban ng bayan para bulsa pa rin nila ang puntahan.

Huwag magpaloko!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *