Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Rebolusyonaryong’ utak stagnant si Nur

GUSTO nating ikorek ang misconception ng marami nating kababayan sa katangian ng isang rebolusyonaryo.

Ang isang rebolusyonaryo po ay laging naghahangad ng mga bagong bagay, bagong ideya, bagong sitwasyon.

Ibig sabihin, ayaw nila ng stagnant.

Ayaw nila ng lumang kaisipan. Gusto nilang laging umiinog at umiikot ang mundo.

Kaya kung si Nur Misuari ang ating pag-uusapan, hindi na natin siya matatawag na rebolusyonaryo dahil siya ay nanatiling nabubuhay at nag-iisip sa panahon na 50 taon na ang nakararaan.

Nag-isip at nag-astang rebolusyonaryo si Nur sa panahon na wala pang LRT, hindi pa matrafik sa EDSA, at ang porma ng komunikasyon ay sa pamamagitan ng koreo, telegrama at telepono ng PLDT. Wala pang desktop at ang tinitipa ay isang mabigat na makinilya at hindi laptop. Wala pang cellphone na puwedeng gamiting detonator sa itinanim na bomba.

Malaking istorya pa noon ang bombahan hindi gaya ngayon na nagiging normal na ang pambobomba sa mga Cathedral sa Mindanao.

Kahit itanong pa ninyo kay Nur.

Ang kinatatakutang bangis ni Misuari na nakilala nating pinuno ng Moro National Liberation Front (MNLF) noong totoy pa tayo ay itinumba na ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nag-anak ng iba’t ibang grupo o organisasyon na binabansagan ngayon terrorists groups.

Kaya isang malaking katatawanan ang sinasabi ni Nur na maghahasik siya ng gulo o giyera laban sa administrasyong Duterte kapag hindi naipasa ang federalismo.

Ayaw nating tawaging isang uugod-ugod at laos na rebolusyonaryo si Nur kasi disrespeto iyon sa isang taong kahit paano ay nakatulong sa pag-inog ng lipunang Filipino.

Ano na nga ba ang nangyari nang pumunuan niya noon ang ARRM?

Pero baka mas magalit naman si Misuari kapag sinabi nating nag-uulyanin (pasintabi po) na siya kaya mas gusto na lang  nating sabihin na ‘supot’ ang  ‘pasiklab’ ni Nur laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sana maisip ni Nur na isa siyang icon ng pagba­bago sa isang sektor ng mga mamamayan sa isla ng Mindanao. Ngunit ang paggamit niya sa estilong ginamit niya limang dekada na ang nakararaan ay hindi na angkop sa panahong ito.

Sabi nga, nabubuhay tayo ngayon sa electronic world (e-World) na ang lahat ng bagay ay puwedeng maging apps. Ultimo pagkain, kalu­sugan at maging pagkonsulta sa abogado ay puwedeng sa apps na lang. Hindi sa desktop kundi sa hawak na mobile phone.

Hindi kaya alam ni Nur na maging ang giyerang ipinaninindak niya kay Duterte ay puwe­de na rin laruin sa online?!

Kumbaga, passé na passé na ‘yan.

Kaya kung naiinip ngayon si Nur Misuari at gusto niyang balikan ang nakaraan, ang masasabi lang natin umupo siya sa harap ng isang desktop at mag-upgrade ng pinakabagong version ng ‘clash of clans.’

‘Yun lang po!

 

UNDER AGE OFW
BABANTAYAN NG BI

IPINAG-UTOS ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente sa lahat ng Immigration Officers sa NAIA ang mahigpit na screening para sa mga umaalis na overseas Filipino workers sa bansa kaugnay ng nauulit na pana­namantala ng ilang sindikato ng human traf­ficking.

Isa rin sa naging kabilin-bilinan ni Morente kay BI-Ports Operations Division Chief Grifton Medina na siguruhing sila ay nasa tamang edad at kompleto ang mga dokumento bago payagang lumabas ng bansa.

Ayon sa BI Commissioner, “This syndicate has stopped deploying under aged women, following last year’s numerous interceptions, as well as arrests by local authorities. However, with this recent interception, it seems that this scheme is making a comeback. I implore our kababayans who wish to work abroad, do not fall victim to these syndicates,

 “Otherwise, in cases of doubt, our officers are instructed to refer these passengers to our Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) for secondary inspection,” dagdag ni Com­missioner.

Bilang tugon ng hepe ng POD, daglian niyang ipinag-utos ang masusing pre-screening sa mga umaalis na OFW lalo sa profiling ng mga menor de edad. Ayon sa ipinatutupad na batas, kinakailangan na above 23 years old ang age requirement ng mga household service workers.

Napag-alaman na hinigpitan ang screening sa hanay nila matapos ma-intercept ng immigration officers ang isang 21-anyos Filipina household worker na nakatakdang lumipad sakay ng Philippine Airlines patungong Riyadh, Saudi Arabia.

Sinabi ni Glenn Ford Comia, BI-TCEU NAIA Head Supervisor, inamin ng Pinay na siya ay hindi 25 anyos gaya ng nakasaad sa kanyang pasaporte. Saad pa ng menor de edad, nalaman lang niya na pinalitan ng kanyang recruiter ang kanyang kapanganakan sa passport (DOB) matapos tanggapin ang dokumento sa kanila.

Ang Filipina ay kasalukuyang nasa panga­ngalaga ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa karagdagang imbestigasyon.

Matatandaaan na noon lang isang taon ay umabot sa mahigit 100 OFWs ang nasagip ng BI sa kamay ng tiwaling recruiters. Ang iba rito ay totoong minors.

Karaniwang palsipikado ang hawak nilang dokumento kasama ang pamemeke ng kanilang overseas employment permits, working visas at job contracts.

 

BAKIT NAIIPIT
ANG OT PAY
NG MGA MIAA
EMPLOYEES?

SIR Jerry, ‘yun pong OT namin for Dec & Feb ay may order of payment na dapat kahapon ibinigay na sa amin pero dating gawi o style ng acctg dep’t delay n naman. Buhay na naman ang 5/6 sindikato sa admin bldg. Sana paim­bestigahan ni GM Monreal ang raket na ito.

+63912599 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *