Wednesday , December 25 2024
money thief

PSA sa Parañaque pinasok ng kawatan

PINASOK ng mga kawa­tan ang opisina ng Express Lane Office (ELO) ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa Parañaque City hall at tinangay ang P132,000 ang halaga ng mga gad­gets, cash at iba pang gamit kamakalawa nang hapon.

Sinabi ni Parañaque police chief S/Supt. Rogelio Rosales, nadis­kubre ang pagnanakaw, dakong 1:00 pm nang bumalik ang mga emple­yado na nakatalaga sa ELO Room 302, 3rd floor, Old Legislative Bldg.

Sa ulat, sinabing pabalik mula sa tangha­lian sa labas ang mga empleyado nang madis­kubreng sinira ang pad­lock ng main door ng nasbaing opisina.

Nang pumasok sa loob si ELO operations manager Ronald Angelo Salas, 48, nalaman niya na dalawang yunit ng Ideapad laptop, nagka­kahalaga ng P30,000 bawat isa, at isang Xperia cellular phone na may halagang P12,000 ang nawawala.

Nawalan rin ng cellular phone ang isa sa mga biktima na si John Carl Edcel Manuel, 21 anyos, isang programmer na nagkakahalaga ng P12,000, at P2,000 cash habang ang isa na si Reygie Vasquez, 21, office staff, ay nawalan umano ng backpack na nagla­laman ng mga personal na gamit.

Maging ang LED implementer Project ELO na si Kennard Cabague, 21, ay nawalan rin umano ng wallet na may lamang P1,000 cash at si Kenjie Salas, 30, information technology staff ay nawalan ng wallet na may lamang importanteng dokumento at mga identification cards gaya ng driver’s license, ATM Cards at P4,000 cash.

Agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad  para malaman kung sino ang suspek na naglakas-loob na pumasok sa tangga­pan ng ELO.

Bukod dito, bubu­sisiin din ng pulisya ang nakalagay na close circuit television (CCTV) camera sa nasabing gusali kung nahagip ang insi­dente para sa pagkaki­lanlan ng mga suspek.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *