Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
marijuana

2 kilong ‘damo’ nakompiska sa Kyusi

DALAWANG kilong pinatuyong dahon ng marijuana ang nakom­piska ng mga operatiba ng Quezon City Police District – Fairview Police Station 5 sa buy bust operation sa Brgy. Greater Lagro, kamakalawa ng gabi.

Sa operasyon, ayon kay Supt. Benjamin Ga­briel Jr., naunang nadakip sina Mario Castro, 19, Mark Stephen Gamuyao, 21, Orlando Purganan, 18, at isang 17-anyos lalaki.

Sila ay dinakip da­kong 9:00 pm sa harap ng Flixz Hotel sa Quirino Ave., Brgy. Greater Lagro.

Sa imbestigasyon, ikinanta ng mga nadakip na ang kanilang pinag­kukuhaan ng damo ay sina Oliver Barbin, 21, ng San Mateo, Rizal, at Shella Burbano, 20, kaya sila ay nadakip sa loob ng hotel.

Nakompiska sa mga suspek na pawang resi­dente sa Caloocan City ang dalawang kilo ng marijuana na nagka­kahalaga ng P301,500, isang kulay asul na Ford Eco Sport ( ATA 7284), buy bust money at 9 bala ng shotgun na nakuha kay Barbin. (Almar Danguilan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …