Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Eleksiyon sa senado nakakamada na

KUMBAGA sa karera, tapos na ang laban sa Senado.

Sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia Survey, maraming bagitong senador at reelectionist ang very happy.

Hindi na nga raw magigiba sa puwesto si reelectionist Senator Grace Poe dahil sa patuloy na pag-arangkada niya bilang No. 1 sa pinakahuling pre-election survey ng Pulse Asia. Nakakuha siya ng 67.5% approval ratings sa mga botante.

Sumunod sa kanya ang reelectionist na si Sen. Cynthia Villar na may 61%. Ang padre de familia ng mga Villar ang itinuturing ngayong pinakamayaman sa buong bansa.

Happy na siguro si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong pasok na pasok na ang kanyang dating special assistant na si Bong Go. ‘Yan ay batay sa nakuhang 53 %. Si reelectionist Sen. Sonny Angara ay pang-apat sa kanyang 52.2%. At ang nagbabalik sa Senado na si Lito Lapid ay ikalima sa nakuha niyang 49%.

Nasa ikaanim na puwesto si da­ting Sen. Pia Cayetano na nakakuha ng 47%.

Wagi rin sa survey ng Pulse Asia ang isa pang pambato ni Pa­ngulong Duterte na si dating PNP chief Ro­nald ‘Bato’ Dela Rosa makaraang makalusot sa Magic 12 sa puwestong ikapito na may 44.5%.

Ang ilan pa sa mga nakapasok sa Magic 12 ay sina Sen. Nancy Binay, Mar Roxas, dating Sen. Bong Revilla, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, Sen. Koko Pimentel habang si dating Presidential adviser on Political Affairs Francis Tolentino ay nakapasok na rin sa Magic 12. 

Mantakin ninyo, tanging si Roxas lang ang nakapasok mula sa oposisyon?

Na-boxed out na rin ni Jinggoy ang utol na si JV. Mukhang  laglag na rin ang panganay ni Apo habang hirap na hirap makapasok ang isa pang bet ng Pangulo na si Tol Francis Tolentino.

Kaya kahit malayo pa ang eleksiyon mukhang magpapalamig-lamig na lang ang ibang kandidato.

Sa mga sigurado, tigilan na ninyo ang paggastos nang walang kapararakan, mamigay na kayo ng tubig!

Tubig pa more!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …