Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Darna, parang Marvel ang preparation; Pia, ‘di totoong nag-audition

KASALUKUYANG nasa Bangkok, Thailand si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach para sa dalawang commercial shoot at kahapon ng hapon sila dumating kasama ang handler niyang si Rikka Infantado-Fernandez.

Pia Wurtzbach
Pia Wurtzbach

Pinabulaanan ni Rikka na nag-audition si Pia para sa karakter na Valentina sa pelikulang Darna ni Liza Soberano.

“False ‘yan,” kaswal na sagot sa amin.

Anyway, ngayong summer na ang shooting ng Darna at sa studio ng ABS-CBN SJDM Studio na matatagpuan sa San Jose del Monte City Bulacan ang location nito base sa nakalap naming impormasyon.

Nabanggit din sa amin na hindi pa tapos ang studio sa Bulacan ay naisip na ni Direk Jerrold Tarog na magpatayo ng warehouse na mala-Buy Bust pero masyadong magastos kaya isa rin siguro ito sa dahilan kaya natagal ang shoot para hintaying matapos ang mala-Hollywood studio ng ABS-CBN.

Sa ginanap nga na audition ng Darna nitong Sabado sa Dolphy Theater ay tinuruan din ang mga staff para sa sound stage na gagawin sa bagong studio.

Pangalan ni Garrie Concepcion (anak nina Gabby Concepcion at Grace Ibuna) ang binanggit sa amin na isa sa nag-audition para sa kontrabida, pero hindi bilang Valentina.

Balitang si direk Jerrold ang sumulat ng bagong script ng Darna base sa bersiyon niya. Anong nagyari na sa script ni direk Erik Matti?

Erik Matti Liza Soberano Darna

Timing din na habang isinusulat ni direk Jerrold ang script ay abala naman sa shooting ng Alone Together si Liza kasama ang boyfriend na si Enrique Gil.

Kung susundin ang timeline ay sa summer of 2020 mapapanood ang Darna produced ng Star Cinema.

Grabe, parang Marvel movies ang peg ng preparation, huh?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …