Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 babae, nailigtas 2 huli sa droga at human trafficking sa QC

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawa katao na sangkot sa human traf­fick­ing at pagtutulak ng droga habang nasagip ang tatlong biktimang baba­e sa isang apartelle sa Brgy. Katipunan, Quezon City, ayon sa ulat kaha­pon ng pulisya.

Kinilala ni QCPD Director, P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., ang mga naarestong  sina Emmanuel Cerojales, alyas Juding, 31, ng Brgy. Ramon Magsaysay, Bago Bantay; at Jessica Abalos, alyas Cacai, 18, ng Brgy. Bagbag, Quezon City.

Sa ulat, dakong 7:30 pm (9 Marso)  nang maaresto ng mga tauhan ng Novaliches Police Station (PS4), na pina­mumunuan ni P/Supt. Rossel Cejas ang mga suspek sa loob ng No. 77 Rosas Apartelle, na matatagpuan sa EDSA, kanto ng Roosevelt Ave., Brgy. Katipunan.

Una rito, nakatang­gap ang mga awtoridad mula  sa isang ‘confi­dential informant’ na sangkot si Cerojales sa drug at human trafficking kaya nagkasa ng buy-bust operation laban sa kanya, na nagresulta sa pagka­kakompiska ng limang pakete ng shabu, dala­wang cellular phones at buy-bust money.

Sa operasyon, apat na babae pa ang nakita ng mga pulis sa silid, kabi­lang si Abalos, na kalau­nan ay natukoy na kasab­wat ni Cerojales sa pagbe­benta ng mga babae sa kanilang mga kostumer.

Ang tatlong babae ay sinagip. Sila ay biktima  ng human trafficking at exploitation.  Hindi na pinangalanan ang mga nasagip na babae, para sa kanilang  proteksiyon.

Ang mga suspek ay sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …