Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cristine, mahusay makipagsapakan; liksi sa martial arts at combat knife, nakabibilib

MAHILIG kami sa action movies. Katunayan, may mga DVD collection kami nito at isa sa paborito namin ay ang Kill Bill movie series ni Uma Thurman at John Wick series ni Keanu Reeves.

Binanggit namin ang mga pelikulang ito dahil hawig sa kuwento ng pelikulang Maria ni Cristine Reyes ang mga ito at kung paano nakipagsapakan ang aktres.

Dating miyembro ng sindikado si Cristine at gustong magbagong buhay pero ayaw siyang pakawalan kaya nagpanggap na lang siyang patay na bilang si Lily.

Sa panibagong buhay ay siya na si Maria at patay na si Lily, pero hindi siya hinayaang mabuhay ng payapa at maayos dahil hina-hunting siya ng nakaraan niya at gusto siyang patayin ng ex-boyfriend niyang si Ivan Padilla o Kaleb na anak ng pinuno ng sindikato.

Pinatay ni Ivan ang mag-ama ni Cristine at dito na naghiganti ang aktres at isa-isa niyang binalikan ang mga dating kasamahan sa sindikato.

Napabilib kami ni AA (tawag sa aktres) sa husay niya sa mixed martial arts, sa paghawak ng rifle, kalibre 45, at combat knife. Ang liksi-liksi ni Cristine bagay na ang layo sa mga karakter na nagawa niya noon sa mga pelikulang nagawa niya.

Napapangiwi kami sa mga eksena dahil ang tindi ni Direk Pedring Lopez na close range ang pagbaril sa mga kalaban na sumasabog ang utak at kita ang mga dugo.

As of this writing ay hindi pa nari-review ng MTRCB ang Maria kaya curious kami kung anong rating ang ibibigay sa unang action movie ni Cristine mula sa Viva Films.

Graded B naman ang ibinigay ng Cinema Evaluation Board.

May nag-post na sana pagsamahin sa iisang pelikula ang mga aktres na gumawa na ng action tulad nina Erich Gonzales (We Will Not Die Tonight) at Anne Curtis Smith-Heusaff (Buy Bust) na mala-Charlie’s Angels.

Anyway, mapapa­nood na ang Maria sa Marso 27 handog ng Viva Films mula sa direksiyon ng malupit na si Lopez na siya ring sumulat kasama sina Yz Carbonell at Rex Lopez.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …