Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KathNiel, AlDub lang ang peg?

KAILANGAN na bang mag-step in ang ABS-CBN sa gitna ng espekulasyong hiwalay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ang pag-unfollow ng isa’t isa sa kanilang Instagram account—na ‘di raw sinasadya kuno—ang itinuturong mitsa ng KathNiel breakup.

Todo depensa naman ang magkabilang kampo (mga ina ng loveteam) na normal lang naman daw sa mga magkasintahan ang paminsan-minsang pagkakaroon ng ‘di pagkakaintindihan.

Lumala pa ang isyu nang mabalitang sa halip na magkasama sina Kathryn at Daniel ay mas pinili pa ng young actor na kasamahin ang kanyang tropa sa gimikan sa Tagaytay.

Kaya hindi rin daw malakas ang loob ni Karla Estrada, ina ni Daniel, na isiwalat ang real score sa naturang real-life loveteam ay dahil sa takot na makaaapekto ito sa career ng kanyang anak.

As it is now, mukhang mas marami ang nakikisimpatya kay Kathryn more than with Daniel, na kapag nagkataon at napatunayang hiwalay na nga sila’y magbu-boomerang ito sa career ng binata which is likely to go down the drain.

Teka, ‘di ba’t sa ganitong setup ay may tinatawag na collateral damage? Ang career lang ba ni Daniel ang magsa-suffer?

And in the process, hindi rin ba apektado ang kanilang home studio (ang ABS-CBN) na mamroblemang hanapan sila ng project together na kikiligin pa rin ang fans?

Paano kung talagang split na sina Kathryn at Daniel, ano pang kilig mayroo ang hatid ng kanilang tambalan?

AlDub lang ang peg!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …