Saturday , November 23 2024
Irene Villamor Nadine Lustre

Nadine, personal choice ni Direk Irene para sa Ulan

AGAD bumuhos ang suporta sa official trailer ng pelikulang Ulan. Number 1 din sa trending topics ang #UlanTrailer bukod sa pagti-trend din nina Maya, Nadine Lustre, Carlo Aquino, at Direk Irene Villamor. Ang Ulan ang pinakabagong handog na pelikula ng Viva Films.

Isang romantic drama, ang Ulan na ukol kay Maya, lumaki sa piling ng kanyang lola. Unang namulat si Maya sa mga tikbalang noong siya’y bata nang biglang umulan habang sumisikat ang araw.  Ayon sa kanyang lola, ito‘y dahil may ikinakasal na tikbalanag at tutol ang langit sa kanilang pag-iibigan.

Lumaki si Maya na hopeless romantic. Nagtatrabaho siya sa isang publishing company bilang editorial assistant.

Dalawang beses na siyang na-in love at nasaktan. Makikilala niya si Peter, mabait, matulungin, thoughtful at boyfriend material.  Ngunit tuwing may magandang nangyayari kay Maya, biglang bumubuhos ang ulan.

Si Maya ay si Nadine na ayon kay writer-direktor Irene, personal choice niya ang aktres dahil ito ay “modern Filipina and really has that depth to understand concepts like this. And brave enough to plunge in to a role of Maya.”

Simula pa lamang, ipinakita na ni Nadine ang dedikasyong pag-aralan ang kanyang papel at magkaroon ng koneksiyon sa kanyang director.

Kuwento ni Direk Irene, ”Nadine and I sat on the first day of shoot and we talked for almost an hour, naka-costume na siya noon, ready for blocking na. But I had to pause and we just sat away from the crowd and talked about the bigger things in life. About what this movie means to me and to her. About our nervousness. And I said to her this is going to be our journey together, because Maya has been there with me since I was young.”

Taong 1999 noon, sa isang Film class nang binuo ni direk ang isang 5-minute narrative tungkol sa batang nagngangalang Maya. ”Her dream was to climb a tree in their backyard,”  ayon kay direk, “but her mother would always catch her and reprimand her.”  Dumating ang araw na naakyat niya rin ang puno at bumungad ang napakagandang view.   “Roofs of different corrugated, rusty metals, top of other trees, some birds. And she was wishing her mother could also see it,” ang pagsasalarawan ni direk.

“That was really the germ of the character Maya, and she never left me since,”  giit ni Direk Irene na siyang gumawa ng blockbuster movies na Camp SawiMeet Me in St. Gallen, at Sid & Aya: Not a Love Story.

“She evolved into a short story when I was already a script continuity supervisor under Direk Joyce (2004-2005). By this time, I was reading Gabriel Garcia Marquez and Allende stories – all those fantastic stories with magic realism elements. So I wrote about Maya seeing tikbalangs, and the mother became the Lola. And I love the rain so nagsama-sama na siya sa utak ko.

“Direk Joyce caught me writing and read what I wrote and said to turn it into a screenplay so I did,” pagtatapos niya sa kanyang kuwento.

Ang Ulan ang una niyang screenplay.

Carlo, pinuri, pinadali ang trabaho ng direktor

Samantala, si Bb. Joyce Bernal ang Creative Producer ng pelikulang ito.

Si Carlo naman ang leading man ni Nadine bilang Peter. “We had breakfast just to talk about the role, and he said naikuwento ko na sa kanya rati ‘yung concept so of course he’ll do it.  Wala nang pitch pitch,” sabi ni Direk Irene.

Pinuri niya ang award-winning actor dahil sa husay nitong unawain at maging connected sa kanyang karakter.

Dagdag ni direk, ”He makes my job so much easier because I don’t explain a lot when I talk to him. There’s a click that happens and there he is, right there being Peter.”  

Sina Marco Gumabao at AJ Muhlach ang gumaganap bilang mga dating nakarelasyon ni Maya.

Ang batang Maya naman ay ginagampanan ni Ella Ilano. Si Ms. Perla Bautista naman bilang lola.

Paggawa ng Tikbalang, pinakamahirap

Ang paggawa ng rain effect at ng magiging hitsura ng tikbalang ang naging malaking hamon para sa production team. “Our tikbalang took three (look) tests just to decide on what is best,” lahad ni direk.

Ito ang kanilang naging konsiderasyon –  ”Sino ba ang nakakita na ng tunay na tikbalang? ‘Di ba si batang Maya? So ano hitsura niyon?”   

Sa huli, nakahanap sila ng inspirayon sa mga artisano na gumagawa ng paper mache sa Pila, Laguna na roon sila nag-shoot ng pelikula.

We decided on that look and acknowledge the crudeness and the innocence of it all,” sabi ni direk.

Grateful and proud si Direk Irene na maipalabas ang ganitong klaseng pelikula sa mainstream.

Anuya, “Hindi biro ang sugal ng VIVA (for producing) and N2 (for line producing)…We were doing something different… I have all these people in the production na ka-kapit kamay at laging susubok at hindi takot magkamali – my staff and cast.”

Ang Ulan ay produkto ng labis na pagmamahal at pagsisikap sa trabaho. Kasama sa team ang award-winning cinematographer na si Neil Daza.

Ang ‘90s classic song ng Rivermaya na Ulan ay ini-revive ni OST Princess, Janine Teñoso bilang official theme song ng pelikula. Kasama rin sa soundtrack ang Heto na Naman ni Rice Lucido.

Para kay Nadine, na tumanggap ng maraming papuri dahil sa kanyang pagganap sa pelikulang Never Not Love You, ito ay bagong pagkakataon na magningning sa labas ng kanyang love team. Sabi niya sa isang panayam, ”I’m really, really excited kasi maganda talaga ‘yung story; it’s more about self-love.”

Kung paano linangin ni Maya ang pagmamahal sa sarili habang nilalahad ang kanyang buong kuwento ay talaga ngang kaabang-abang.

‘Wag palalampasin ang Ulan sa mga sinehan sa buong bansa simula March 13, 2019.  (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *