Monday , December 23 2024

Oil companies wala nang lusot sa BIR

WALA nang lusot ang mga gaso­linahang hindi nag-iisyu ng resibo sa kanilang mga kliyente o hindi nag­dedeklara ng tamang sales na pu­mapasok sa kanilang kompanya.

Sinabi ni Finance assistant secretary Tony Lambino, sa pama­ma­gitan ng fuel marking program, awtomatikong malalaman kung ilang litro ang inilalabas ng isang gas station maging ng oil refineries.

Sa ilalim ng programa na nakapaloob sa TRAIN law, ipinaliwanag ni Lambino na kakabitan ng fuel markers o molecular tracers ang lahat ng imported at refined oil products gaya ng gaso­lina, diesel at krudo.

Kaya ang resulta, awtomatikong made­determina ang bawat litrong lumalabas sa mga gasolinahan at oil refineries at mula roon ay matu­tumbok kung mag­kano ang dapat na ba­yarang buwis ng isang gas station.

Dagdag ni Lambino, hagip din ng naturang programa ang smugglers na aniya’y susunod nang paghuhulihin ng gobyerno dahil sa pinsalang idinu­dulot nito sa tamang kita ng bayan.

Batay sa datos, P44 bilyon ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa smuggling na maaaring magamit sa iba’t ibang proyekto ng pamaha­laan.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *