Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

This Is Me concert ng Clique V at Belladonnas, buwis buhay

ISANG malaking tagumpay ang ginawang ‘talent development’ ni Len Carillo sa kanyang mga alagang Clique V at Belladonnas dahil napakalaki ng iginaling ng mga batang ito na ipinakita sa katatapos nilang concert, ang This Is me, All Out Concert na isinagawa sa SM Skydome.

Malaki ang ipinagbago nila mula sa pagho-host, pagsasayaw, at pagkanta kung ikokompara last year na nag-concert din sila sa Music Museum.

Tunay na malaki ang ipinagbago ng Clique V at Belladonas mula sa mga hitsura at well being na pinuhunanan ni Len.

Bagamat mahaba ang concert, kaaliw naman ang mga number nilang ipinakita. Umpisa pa lang ay agad na silang nagpasabog nang ipakita ang galing sa pagsayaw. Kahanga-hanga ang number nilang Titibo-Tibo ni Moira, gayundin ang mga solo number ng Clique V at Belladonas, ang dance interpretation ng Buwan ni Juan Carlos Labajo, blue comedy, magic marco, at ang queen of the night na buwis buhay.

Kahanga-hanga rin ang portion na nagbigay sila ng tribute sa kani-kanilang magulang na isa-isang pinaakyat ng entablado at inabutan ng bulaklak.

At siyempre, kailangan ding papurihan ang number na sexy play dance ng Belladonnas  at Michael Jackson dance number ng Clique V.

Sa kabuuan, magaling ang konseptong itinuro o ipinagawa nina Aira Bermudez at Mia Pangyarihan ng Sexbomb sa mga bata dahil talaga namang naipakita ng mga ito ang kanilang talento.

For sure, very proud si Ms. Len sa napakagandang concert na ibinahagi nila sa fans at parents ng Belladonnas at Clique V. At dahil maganda ang This Is Me, concert, binabati namin ang lahat ng bumuo nito.

Special guests ng Clique V at Belladonnas sina Arron Villaflor, Leandria, Sanya Lopez, at Jak Roberto.

Sana’y ang This Is Me concert na ang maging daan at umpisa ng Clique V at Belladonnas para mabigyan sila ng magaganda at maraming proyekto.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …