Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Holdaper ng taxi driver tinutugis

PINAGHAHANAP na ngayon ng mga awtori­dad ang isang holdaper na nag- viral sa isang social media matapos makunan ng dashboard camera sa loob ng taxi ang ginawang panghoholdap sa taxi driver sa Caloocan City.

Sa kuha ng dashcam ng taxi na ipinapasada ng driver na si Wilmor Capel­lan, makikita ang isang lalaking pasahero na naka-jacket at sombrero.

Ayon kay Capellan, tinatahak niya ang kaha­baan ng Samson Road, Caloocan city nang magsabi ang lalaki na kanyang pasahero na baba kaya binuksan nito ang ilaw ng taxi.

Ngunit, biglang pinapatay ng suspek na sa puntong iyon ay may hawak na baril habang nakatutok sa driver sabay nagpahayag ng holdap kung hindi ay paputukan umano ang biktima.

Natangay ng holda­per sa biktima ang P21,000 cash, cellphone at relo bago mabilis na tuma­kas sa hindi matukoy na direksiyon.

Ayon sa pulisya, tukoy na nila ang holdaper at nakatakda na nila itong sampahan ng kaso.

 (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …