Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Presyo ng langis muling sumirit (Ika-7 ngayong 2019)

SASAKIT muli ang ulo ng mga motorista dahil nagpatupad ng big time oil price hike sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis ngayong araw, 26 Pebrero.

Pinangunahan ng kompanyang Total Philippines, Pilipinas Shell, PTT Philippines, Petro Gazz, Sea Oil at Caltex (Chevron) ang dagdag presyo na P1.45 kada litro ng gasolina, maging sa diesel ay P1.45 din kada litro, habang sa kerosene ay nasa P1.35 kada litro na epektibo ngayong 6:00 am.

Inaasahang magsu­sunuran na magpatupad ng pagtaas ng presyo ng kanilang produktong petrolyo ang ilan pang malalaking kompanya ng langis sa bansa gayondin ang maliliit na kompanya sa kahalintulad na hala­ga.

Ang ipinatupad na dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyohan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Sa tala ng Department of Energy (DOE), ang panibagong pagtaas sa mga produktong petrolyo ay ika-pitong beses simula ngayong 2019.

ni JAJA GARCIA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …