Tuesday , December 24 2024
INIHARAP ni NCRPO chief, Director Guillermo Eleazar, ang nasamsam na 12 pirasong plastik na may lamang shabu, tinatayang may street value na P6.8 milyon at drug paraphernalia na nakuha sa apat na suspek kabilang ang dalawang babae sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU-NCRPO) at QCPD (Cubao) PS-7 sa Sampaloc St., Brgy. Central, Signal Village sa Taguig City kamakalawa ng gabi. Nasa larawan din sina Taguig chief of police, S/Supt. Alexander Santos, at Cubao PS-7 commander Supt. Giovanni Caliao. (ERIC JAYSON DREW)

P6.8M shabu kompiskado sa 4 big time drug dealer

APAT na bigtime drug dealer na kumikilos sa Quezon City at karatig lungsod ang naaresto ng mga operatiba ng Que­zon City Police District Cubao police station (QCPD-PS7) makaraang makompiskahan ng P6.8 milyong halaga ng shabu sa buy-bust ope­ration sa Taguig City, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat kay QCPD director, C/Supt. Jose­lito Esquivel Jr., kinilala ang nadakip na sina  Abel Dagadas, 34; Larrylyn Azada, 29; Usay Uting, 49;  at Jacqueline Dapitan, 52; pawang residente sa Sampaloc St., Brgy. Central Signal Village, Taguig City.

Ang apat ay nadakip dakong 4:20 pm nitong Miyerkoles sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng anti-drug operatives ng QCPD PS7 na pinamumunuan P/Supt. Giovanni Hycenth Caliao.

Ayon kay Caliao, ang apat ay ikinanta ng dala­wang drug pusher na una nilang nadakip sa Brgy. Culiat, Quezon City.

Ikinanta ng dalawa na kinukuha nila ang droga kay Dagadas kaya nadakip sa No. 2 Sam­paloc St., Brgy. Central Signal Village, Taguig City, kasama ang tat­long binentahan ng sha­bu ang pulis na nag­panggap na buyer.

Nakuha sa mga suspek ang mahigit isang kilong ‘high grade shabu’ na nagkaka­halaga ng P6.8 milyon, P10,000 buy bust money, digital weighing scale at iba’t ibang uri ng drug paraphernalia.  

 (ALMAR DANGUILAN/JAJA GARCIA)

About Almar Danguilan

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *