Saturday , April 27 2024

Maine ibinando sa IG, litrato nila ni Arjo

SIGURO naman matitigil na ang bashers ni Arjo Atayde kasama na ang pamilya niya dahil mismong si Maine Mendoza na ang nag-post ng litrato nila ng aktor sa kanyang IG stories na tila naglalaro sila habang kinukunan sila sa isang event.

Base sa caption ng taga-MAC Cosmetics, “Maine posted this on her highlight IG stories! Those narrow minded cannot get this. But definitely this is her way of saying silently: “Hey this is US” #aldub #aldubnation CANNOT STOP  these two any more. “When the power of love overcomes. The love of power, the world will know peace.” #aldub #arjoatayde  #mainemendoza #inlove #couple #cou ples #couplesgoals #mac  #maccosmetics  #maccosmetic #maccosmeticsph.”

Hindi namin alam kung pictorial ito nina Arjo at Maine para sa nasabing cosmetic brand na ineendoso ng dalaga o kuha ito sa event na imbitado rin ang aktor dahil base sa litrato ay backdraft nila ang logo ng MAC.

Naaliw lang kami sa komento ng ibang AlDub supporters na hindi pa rin matanggap si Arjo kay Maine at sinabing ‘edited’ ang litrato. Sinong nag-edit, si Maine?

Hindi ba’t malaking kalokohan na ito kung hindi pa rin naniniwala ang Aldub?

Trending sa social media ang litratong ito nina Arjo at Maine at maraming positibong komento naman kaming nabasa at naririnig na pinagkukuwentuhan ito kaya unti-unti ay tanggap na rin nila ang ArMaine.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *