Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, pabor sa ArMaine, nakatakas sa bilangguan

SA ayaw at sa gusto ng watak-watak nang AlDub nation, isinilang na nga ang tamba­lang ArMaine which stands for Arjo Atayde and Maine Mendoza.

Kung ang ‘di katanggap-tanggap na existence ng ArMaine ay maihahalintulad sa isang trahedyang nangyari sa mga AlDub supporter, parang dumaraan din lang sila sa proseso which in the end will lead to their collective acceptance.

Nasa denial stage pa rin sila ngayon, pilit na pinaniniwala ang kanilang mga sarili na may pag-asa pang maisalba ang AlDub loveteam.

Kasabay nito siyempre ang galit, na itinuon nila kay Arjo as if naman ay ito lang ang responsable sa pagkakabuwag ng phenomenal loveteam.

Sa sobra ngang poot sa puso ng mga ito’y dumating na sa point na may death threats na silang nalalaman directed to Arjo and his family.

Sa bandang huli, umaasa ang marami na lalawakan din ng mga AlDub fan ang kanilang makitid na pag-iisip, hence the last stage which is acceptance.

Kung kailan ito darating ay sila rin lang ang makasasagot, kung paanong sila rin ang makakapaglapat ng lunas kung maituturing na karamdaman ito.

As it is now, ”eat your heart out!” lang ang tanging masasabi namin sa kanila. Habang kinukunsumi sila ng kanilang sariling problema, hayun sina Arjo at Maine, nagbubunyi, in-enjoy lang ang buhay na magkasama sila.

So, where does that leave Alden? Aba, for all we know, pabor sa kanya ang ArMaine loveteam, nakatakas na kasi siya sa “bilangguan”, ang mga fan lang naman nila ni Maine ang masaya.

Hindi siya.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …