Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Para kay Miss Universe Catriona Gray… Kalsada sa Makati isasara

ISASARA ang ilang pa­ngunahing lansangan sa lungsod ng Makati bun­sod  ng  gaganaping  Grand Motorcade at Ticker Tape Parade kay Miss Universe 2018 Ca­trio­na Gray kaya asahan na makararanas ng mabi­gat na daloy ng trapiko ang ilang mga motorist at commuters ngayong araw ng Huwebes (21 Pebrero).

Kahapon sa traffic advisory ng Makati City government,  isasagawa ang parada  sa kahabaan ng Sen. Gil Puyat Avenue (mula Taft Avenue) at Ayala Avenue (mula Sen. Gil Puyat Avenue hang­gang EDSA)

Magsisimula ito da­kong 4:00 pm hanggang 5:00 pm.

Patungong Freedom Park, malapit sa Ayala Avenue at Sen. Gil Puyat Avenue intersections bago magtutungo  sa Central Business District at magtatapos sa Glorietta/EDSA.

Ayon sa tanggapan ng Makati Public Safety Department, ang lahat ng behikulo mula sa  east­bound ng  Sen. Gil Puyat Avenue ay apektado  hanggang Ayala Avenue.

Sa kaalaman ng mad­la, maaaring kuma­nan sa Washington St., kaliwa sa Dela Rosa St., daraan sa Pasong Tamo Avenue, kanan sa Amorsolo St., kaliwa sa VA Rufino St., at kanan sa Dela Rosa St., patungong Makati Ave­nue  at Mandaluyong City.

Sa intersections ay magkakaroon ng ”stop and go mode.”

Magtatalaga ng mga traffic enforcer para asis­tehan ang mga motorista at publiko na maaa­pektohan ng masikip na daloy ng trapiko.

(JAJA GARCIA)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …