Tuesday , December 24 2024
NASAKOTE ng Philippine Drug Enforcement Agency Special Enforcement Service (PDEA-SES) ang 44-anyos opisyal ng Department of Health (DOH) na si Dr. Vanjoe Rufo de Guzman, Medical Officer IV; ang 21-anyos na varsity player na si Keanu Andrea Flores, at apat na iba pa na nahulihan ng iba’t ibang uri ng party drugs sa condominium unit ng doktor sa Mandaluyong City. (ALEX MENDOZA)

Medical officer ng DOH, lady varsity player, 4 pa arestado sa drug bust (Sa Mandaluyong condo)

ARESTADO ang isang doktor at tennis varsity player kasama ang apat na iba pa sa drug operations ng PDEA sa California Garden Condominium, Bgy. Highway Hills,  Mandaluyong City.

Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino ang naaresto na si Dr. Vanjoe Rufo de Guz­man, 44 anyos, Medical Officer IV ng Department of Health (DOH-NCR); Keanu Andrea Flores, 21 anyos, marketing man­age­ment student at lawn tennis varsity player ng Colegio de San Juan de Letran; Francis Gerald Fajardo, 26, event or­ganizer; Mohammad Ab­dul­lah Duga alyas Sherin; Michael Melegrito Tan, 27; Mohammad Arafa Morsy alyas Rafa; at Mark Adrianne Echaus, 22;

Ayon kay Dir. Levi Ortiz ng PDEA-SES, Nobyembre 2018 pa nila isinailalim sa surveillance ang doktor hanggang isagawa ang drug buy-bust operation kahapon nang madaling araw.

Ginawa umanong drug den ang condo unit ng doktor kung saan nahuli ang kanyang mga parokyano at dalawang runner.

Ang nadakip din ani­yang doktor ang nagtu­turok ng liquid shabu sa kanyang mga customer.

Dagdag ni Ortiz, ka­ramihan umano sa mga kliyente ng doctor ay young professionals at mga estudyante.

Inaresto si De Guz­man habang inaabot ang shabu sa poseur buyer ng PDEA.

Nasamsan ng awto­ridad at PDEA ang nasa 50 gramo na may P340,000 ang halaga, liquid ecstasy na nasa 200 ml na tinatayang P30,000 at drugs paraphernalia.

May nakuha din uma­nong  cellphone sa condo ng suspek kung saan nakita ang mga larawan at video na matapos magdroga ay nagkaka­roon ng sex orgy sa lugar.

Mariing itinanggi ng doktor ang paratang sa kanya at sinabing wala siyang alam sa ibinibin­tang ng PDEA.

nina EDWIN MORENO/ALMAR DANGUILAN

About Almar Danguilan

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *