Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gobyerno uunlad, magsasaka gutom (Sa rice tariffication)

ANG inaasahan ng admi­nistrasyong Duterte na Rice Tariffication Law para umunlad ang bansa ay isang nakatatakot na batas na papatay sa sek­tor ng lokal na agrikul­tura.

Ayon kay House Speaker Gloria Maca­pagal-Arroyo ang ta­mang pagpapatupad ng batas – pagtanggal sa “import restrictions” at pagpataw ng 35 porsi­yento sa mga inangkat na bigas mula sa mga bansa sa Southeast Asian – magbibigay ito benepisyo sa lahat kasama na ang mga magsasaka ng bigas.

“Now we can focus on its proper implementation so that everyone can and should benefit from the law,” ani Arroyo.

“I am happy that President Duterte has signed into law the Rice Tariffication Act. It will further help in easing the inflation which has hit the poor the most,” dagdag ni Arroyo.

Aniya ang buwis na makakalap dito ay ipa­pa­utang sa mga magsa­saka sa pagpaunlad ng kanilang kagamitan at kaalaman.

Aniya, ang Rice Com­petitiveness Enhancement Fund (RCEF) sa ilalim ng bagong batas ay magla­laan ng P1-bilyon para ipautang sa mga mag­sasaka at kooperatiba pa­ra makatulong sa sektor upang makalapit sa mga nagpapautang.

Sa panig ng Kilusang Mambubukid ng Pilipi­nas, ang rice tariffication law na pinirmahan ni Pangulong Duterte noong Biyernes ay isang bigwas na papatay sa local palay producers, magsasaka ng palay, mga nagtatrabaho rito pati ang mga pamilya nito.

Aniya magkakaroon ng masamang epekto sa halos 31 milyones na uma­asa sa nasabing sektor.

“The livelihood of rice farmers are at stake with the approval of rice tariffication. Local rice producers will be the first to bear the brunt of the effects of unregulated and massive rice impor­ta­tion,” ayon kay Rafael Mariano, chairperson emeritus ng KMP at presidente ng Anakpawis.

“Ang mga magsa­saka, magiging magsa­sako na lang. Taga-ipon na lang sila ng sako. Di­rek­ta ang epekto at latay ng patakarang rice tariffication sa mga mag­sasaka,” giit ni Mariano.

“As we have been saying for the past decades, rice tariffication and massive rice impor­tation would devastate the rice industry and seriously imperil the food security of current and future generations,” ani Antonio Flores, secretary general ng KMP.

Anila ang mga mag­sasaka ang gumagastos sa lahat ng kailangan sa produksiyon ng bigas na naglalaro mula P49 hangang P59-milyones kada ektarya.

“Malaki ang gastos sa pagsasaka. Kulang o halos walang support services mula sa gob­yerno, napakamahal ng inputs at hindi naman namimili ng palay ang NFA. When rice imports start to dump in the market, local rice farmers would be wiped out,” ani Mariano.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …