Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

“Project Feb. 14” digital original movie nina JC, Mccoy at Jane madugo ang istorya

Sanay na sanay na si JC Santos na gumawa ng sexy scenes, sa pelikula pero itong sina Jane Oineza at McCoy de Leon na parehong kilalang wholesome stars ay first time na nagpakita ng skin sa original series ng Dreamscape Digital na “Project Feb.14” kasama ang Kamaru Pro­ductions.

May katuturan naman ang pagpapa-sexy ng dalawa lalo sa kanilang love scene dahil kaila­ngan ito sa istorya para sa binubuong docu­mentary ng kilalang TV reporter at documentarist na si Cody played by JC.

Si Jane naman ay kulang sa pansin ng mga magulang na nagseselos sa bunsong kapatid na babae na may autism. Dahil sa ipinagma­maktol niya na mas mahal ng mga magulang niya ang sister niya, kaya naging libangan niya ang dark web.

Marami siyang nakilala hanggang naging cyber prostitute siya ,pero nagtatago sa pag­susuot ng mascara. Dahil sa kasinungalingan ng nobyong si Brix (McCoy) ay binaril ni Jane ang kanyang daddy at mommy.

Magkaibigan naman itong sina Brix at Cody, at aksidenteng nagkita muli sa isang bar kung saan gusto na rin wakasan ng huli ang kanyang buhay dahil sa problema sa tiyahin at kawalan ng trabaho.

Nang malaman ni Cody na magpapakamatay sina Brix at Annie (Jane) sa mismong araw ng February 14 ay naisip niyang i-docu ito para bumango ulit ang pangalan niya sa telebisyon, kung saan siya nagtatrabaho.

Halos mapraning si Brix nang malaman niya at sabihin sa kanya ni Annie ang dark secret ng nobya na nakipag-sex rin kay Cody na kinunan pa nila ng video. Sa murang edad ay parehong nakaranas sina Brix at Cody ng sexual abused mula sa mahilig na Yaya ni Brix.

Maayos ang pagkakagawa ni Direk Paul Laxamana ng series na ito na aminadong dumaan siya sa stage ng buhay niya na na-depress at naisip din niyang magpakamatay.

Mabuti na lang at naka-recover siya. Ang advocacy ng nasabing series ay ma-promote ang mental health awareness. Mag-uumpisa na ang streaming ng Project Feb.14 ngayong February 16 sa iWant na ayon pa sa respetadong veteran entertainment columnist na si Mario Bautista, “just saw the press preview of iWant’s Project Feb. 14, an original series from writer-director Jason Laxamana about damaged, tormented characters with huge chips on their shoulders. Great performance by Jane Oineza, JC Santos & Maccoy de Leon, so dark full of sex, violence & murder.”

Sabi pa ng kolumnista, so sabay-sabay natin itong panoorin.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …