Thursday , May 8 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Pasay PCP chief na ‘commander-de-areglo’ ipatapon sa Mindanao

MUKHANG natiyempohan din sa wakas si Madam PCP commander diyan sa Pasay City na matagal na palang trabaho na lahat ng asunto ay ipinaaareglo.

Parang gustong magtrabaho sa mediation center office ni Pasay Police Community Precinct (PCP-1) chief, C/Insp. Remedios Terte.

Kaya lang mukhang ignorante siya sa proseso na dapat daanan ng bawat kaso bago makarating sa mediation center.

Hindi pa kasi sumasampa ang kaso laban sa suspek na Chinese national na si Zhang Yang na inireklamong nangmolestiya ng tatlong 18-anyos estudyante sa isang amusement park sa Pasay City, e agad nang ipinaareglo ni Terte.

Parang hindi naman babae itong si Madam Terte.

Maski na lesbian ka pa, ang pinag-uusapan dito, ‘yung pang-aabusong ginawa sa tatlong babaeng estudyante.

Wala ka bang kapatid na babae o pamangkin na babae? Hindi ba babae ang nanay mo Madam Terte?

Mabuti na lamang at umangal ang ina ng isa sa tatlong biktima kaya nabulgar itong si ‘madam-de-areglo.’

Kaya hayun, ipinasibak na ni NCRPO chief, Director Guillermo Eleazar si Madam torete ‘este Terte, kasama ang mga tauhan niyang sina SPO3 Timothy Mengote, SPO2 Jonathan Bayot, POs3 Archie Rodriguez at Ranier Dumanacal.

NCRPO chief, Director Eleazar Sir, puwede bang ipadala ninyo sa Marawi ang mga ‘kamoteng’ ‘yan sa pangunguna ni Madam Terte at mag-community work doon para tulungan ang mga kapatid nating Muslim na hanggang ngayon ay hindi pa nakapagpapatayo ng kanilang mga bahay?!

Mukhang doon sila nababagay para mag­karoon sila ng realisasyon na alagad sila ng batas hindi mga ahente ng mga abusadong manyak.

‘Yan namang dayuhang Instik na ‘yan, huwag nang ipa-deport, paglinisin diyan sa Manila Bay para maintindihan nila kung ano ang ginagawa nila.

Pakiusap lang din natin, sana lumutang pa ‘yung mga kasong idinaan sa areglo nitong si torete ‘este Terte para tuluyan nang masampahan ng kaso.

Kalusin ang mga abusado!

NAIA TERMINAL 2
RENOVATION TOTOO
BANG MAY P64-B
BUDGET?

ANO ba itong nababalitaan natin na ang budget umano sa renovation ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ay aabot sa P64 bilyones?!

Aba napakalaking halaga niyan para sa renovation.

Ayon sa ating impormante, ii-extend umano ang Customs area para lumaki ito. Sa kasalukuyan kasi ay napakaliit ng Customs area sa NAIA Terminal 2.

Sa totoo lang, ito ang usap-usapan ngayon ng mga urot sa Airport.

Bakit napakalaki ng budget for renovation?

Aba, kung ganyan kalaki ang budget, palitan na nila maging ang mga airconditioning unit dahil parang ‘heater’ na sa init ang mga ‘yan.

Pero kahit na siguro palitan pa ang air-conditioning system mukhang masyadong malaki ‘yang P64 bilyones na ‘yan.

Sana naman ay nagkamali lang ang tip sa atin ‘yung impormante.

Baka naman P60-milyon lang ‘yan o kaya P64o milyon pero kung P65 bilyones e baka isipin pa nating galing ‘yan sa P75 bilyong insertions sa national budget na hanggang gayon ay hindi pa napipirmahan ni Pangulong Digong.

Arayku!

Pakiklaro na nga po DOTr Secretary Art Tugade kung magkano talaga ang budget sa renovation ng NAIA Terminal 2?

Magkano po ba talaga?!

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Ano na ngayon ang tingin ng mga botante kay Pulong?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINABI ni Congressman Pulong Duterte na ipapa-“authenticate” niya sa …

Sipat Mat Vicencio

FPJ Panday Bayanihan Partylist para sa mapayapang halalan

SIPATni Mat Vicencio ILANG araw na lang at tuluyan nang magdedesisyon ang taongbayan kung sino …

Dragon Lady Amor Virata

Fake news requirement na National ID para sa pagboto, ayon sa Comelec

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ng Commission on Elections (COMELEC), ‘wag maniniwala sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit pipi ang PDP sa isyu ng West Philippine Sea?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BUKOD sa trabaho, food security, at kalusugan, isang pangunahing election issue …

Sipat Mat Vicencio

Nelson Ty kay Isko: Yes, let’s make Manila great again!
“TAGUMPAY NI ISKO, PANALO NG MAYNILA!”

SIPATni Mat Vicencio ITO ang pahayag ni dating Barangay Chairman Nelson Ty, tumatakbong konsehal ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *