Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PCP chief, 4 pa sinibak sa ‘molestia de areglo’

SINIBAK sa puwesto ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar ang limang pulis kabilang ang kanilang commander matapos payohan ang mga magu­lang ng tatlong estu­dyante na minolestiya ng isang Chinese national na ayusin umano ang kaso sa Pasay City.

Inalis sa puwesto ang commander ng Police Community Precinct (PCP-1) ng Pasay City Police na si Chief Insp. Remedios Terte, mga tauhan na sina SPO3 Timothy Mengote, SPO2 Jonathan Bayot, POs3 Archie Rodriguez at Ranier Dumanacal.

Napag-alaman nitong Huwebes (7 Pebrero ), dakong 11:00 pm, inaresto ng limang pulis ang suspek na si Zhang Yang, 19 anyos, pan­sa­mantalang nanunuluyan sa Antel Tower sa Pasay City, sa amusement park, sa nabanggit na lungsod.

Nauna rito naka­tanggap ng reklamo ka­ug­nay sa sinabing pang­momolestiya sa tatlong estudyante na edad 18 anyos sa nabanggit na amusement park.

Nang dalhin ang suspek sa presinto (PCP-1), pinayuhan umano ang mga ina ng mga biktima, na ayusin na lamang ng mga suspek.

Pero hindi pumayag ang mga biktima at mga magulang nila at tulu­yang sinampahan ng kasong Acts of Las­civiousness ang dayuhan sa Pasay City Pro­secutor’s Office.

Nagreklamo ang ma­gu­lang ng mga biktima sa tanggapan ni Eleazar ukol sa naging payo sa kanila ng mga pulis.

Agad na sinibak ng NCRPO Chief ang limang pulis-Pasay kabilang ang kanilang commander.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

No Firearms No Gun

Gunrunner timbog sa entrapment operation

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na sangkot sa ilegal na bentahan …

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …