Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa unang araw ng election campaign… 5 ‘gunrunners’ todas pulis sugatan sa QC ‘shootout’

LIMANG miyembro ng ‘gunrunning’ syndicate ang napatay ng mga operatiba ng Quezon City  Police District – District Special Opreation Unit (DSOU) nang manlaban at mabaril ang isang pulis na poseur buyer sa lungsod, kahapon ng hapon.

Sa ulat kay QCPD Director, Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., isa sa limang gunrunners na napatay ay kinilala sa panga­lang Michael Desu­yo, tubong Pampa­ngga.

Naganap ang en­kwen­­tro sa pagitan ng mga operatiba ng QCPD-DSOU at ng mga miyem­bro ng  sindikato dakong 5:10 pm sa  De Vega Com­pound, corner Dah­lia at Iris streets., Brgy.  Fairview, Quezon City.

Ayon kay Supt. Gil Torralba, hepe ng DSOU, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa ilegal na pagbebenta ng mga baril ng mga suspek kaya agad nagkasa ng buy-bust operation laban sa mga suspek.

Tumayong ‘buyer’ si PO1 Ronald Pornea ngu­nit nang makahalata ang mga suspek na pulis ang kanilang kaharap agad na pinaputukan ang isang pulis dahilan para maa­larma ang mga kasamang operatiba kaya nagka­roon ng shootout.

Isinugod sa kalapit na ospital ang pulis na si PO1 Pornea dahil sa tama ng bala ng baril sa kaliwang braso.

Nasamsam sa mga napatay ang buy bust money (1 pc P1000 bill dusted money, 95 piraso ng P1000 bill bilang boodle money); 12 piraso ng cal 38 202 Armscor revolver; 2 piraso ng cal .45 pistol na may maga­zine at mga bala, at tatlong piraso ng cal 38 revolver.

Patuloy na nagsa­sagawa ng imbestigasyon ang pulisya, upang maki­lala ang mga napaslang na suspek.

ni ALMAR DANGUILAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …