Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
ArDub Maine Mendoza Arjo Atayde

Arjo at Maine, nagkita sa Amerika

AS expected, nagkita sa Amerika sina Arjo Atayde at Maine Mendoza base na rin sa ipinost na litrato ng aktor sa kanyang IG story bandang 12 noon ng Linggo (US) at 2:00 a.m. naman ng madaling araw ng Lunes sa Pilipinas.

Ang ganda ng tawa ni Maine sa litrato habang may hawak na tinidor with salad sa kanang kamay at may red wine naman sa harap nito na tiyak na si Arjo ang kaharap.

Ang caption ng aktor sa larawan ni Maine ay, “SAVE THE BEST STOP FOR LAST.”

Gusto naming isiping sa New York USA sila nagkita at sabay nang babalik ng Pilipinas.

Mukhang hindi na tutuloy ang dalawa sa Iceland tulad ng haka-haka ng lahat para personal na makita ang Northern Lights o Aurora Borealis in Iceland dahil wala naman silang makikita dahil lumilitaw lang ito mid- April hanggang mid-August.

At ang pagkakaalam din namin ay maraming commitment si Arjo this week dahil bukod sa tapings niya ng The General’s Daughter, may pa-presscon sa kanya ang Dreamscape Digital para sa digital TV series na Bagman na ipalalabas na sa Marso.

Anyway, tinanong namin ang mama ni Arjo na si Sylvia Sanchez kung saan nagkita at kung sabay nang uuwi ng Pilipinas ang dalawa, pero deadma ang aktres.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …