Saturday , November 16 2024
marijuana

17-anyos, 3 pa arestado sa marijuana

ARESTADO ang apat katao kabilang ang isang menor-de-edad na 17-anyos matapos mahulihan ng mga pulis ng marijuana sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni S/Insp. Ronald Carlos ang mga naarestong suspek na sina Danrey Kenneth Potolin, 21-anyos,  ng Taguig City; Niel Mitchel Piguing, 18-anyos ng Navotas City; Francis John Gallardo, 19-anyos, ng Brgy. Baritan;  at ang 17-anyos na binatilyo, sinabing nakatira Brgy. San Agustin, Malabon.

Batay sa ulat ni PO3 Jun Belbes, dakong 3:00 am, nagpapatrolya ang mga tauhan ng Malabon Police Community Precinct (PCP) 6 sa kahabaan ng Nibungco St., San Agustin nang isang concerned citizen ang lumapit at ipaalam sa kanila ang hinggil sa grupo ng indibiduwal na humihitit umano ng marijuana.

Mabilis na nagresponde ang mga pulis sa naturang lugar at nakita ang mga suspek na magkahaharap habang abala sa pagbusisi ng apat na plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

Sinampahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 sa Malabon City Prosecutor’s Office habang dinala sa pangangalaga ng DSWD ang 17-anyos menor-de-edad. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *