Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marilao ex-vice mayor na inasunto ni Atong inilipat sa Parañaque

INILIPAT na kahapon sa Parañaque City jail ang dating vice mayor ng Marilao, Bulacan maka­ra­an makakuha ng com­mitment order ang Bula­can Provincial Police Office sa Parañaque Regional Trial Court (RTC).

Dakong 11:00 am, nang mailipat sa Paraña­que City Jail (PCJ) ang dating bise alkalde na si Andre Santos at naging emosyonal ang pagha­hatid sa kanya ng pamil­ya.

Nangangamba ang pamilya ni Santos na itumba ng mga kapwa niya preso ag dating vice mayor.

Naglabas ng kautu­san kahapon si Parañaque RTC Judge Aida Estrella Macapagal-Fojas ng Branch 195 ng commit­ment order laban kay Santos na ilipat sa Para­ña­que City jail.

Matatandaan, 7 Di­syembre 2018 nagkulong nang ilang oras si Santos sa kanilang bahay nang silbihan ng warrant of arrest ng PNP Bulacan dahi, sa kasong qualified theft na isinampa ni Atong Ang sa Parañaque RTC dahil sa kanyang pagka­kautang.

Huhulihin sana si Santos ng mga pulis pero tumakbo sa kanyang bahay at nagkulong ha­wak ang granada at baril.

Pero wala rin nagawa kaya sumuko sa mga awtoridad kinabukasan matapos siyang magku­long nang mahigit sa 20 oras sa sariling bahay sa Bulacan.

Inihatid siya ng kan­yang pamilya sa Paraña­que City jail mula sa Marilao Bulacan.

Binigyang-diin ni San­tos, wala siyang pagka­kautang kay Ang kundi natalo lamang umano siya sa Casino.

Bantay sarado sa mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Santos habang siya ay naka­kulong. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …