Thursday , August 14 2025

Totoy patay sa nabuwal na kandila (Walang koryente sa Kyusi…)

PATAY ang isang 4-anyos totoy nang hindi makalabas sa nasusunog nilang tahanan sa North Fairview, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kini­lalang si Elixer Jumalon, nakatira sa No. 24 Boule­vard St., Brgy. North Fairview, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Bureau of Fire Protection,  ang sunog ay sumiklab dakong 9:39 pm na nagtagal nang mahigit isang oras bago naapula.

Ayon sa report, hindi na nakalabas ng bahay ang bata dahil tulog na tulog ang biktima.

Tinangka ng kuya ng biktima na iligtas ang kapatid pero nabigo ito dahil malaki na ang sunog.

Nasa Laguna ang ina ng bata  habang ang kan­yang ama ay nasa trabaho pa nang maganap ang sunog.

Sa  imbestigayon ni Fire Officer Joseph Del­mundo, lumilitaw na mula sa natumba at napabayaang kandila ang san­hi ng sunog dahil wa­lang koryente ang bahay.

Bukod sa tahanan ng pamilya ng biktima ay 11-bahay pa na may 30 pamilya ang nawalan ng tahanan.

ni ALMAR DANGUILAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

NBI

P11-M pekeng produkto kinompiska ng NBI

UMABOT sa P11 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nasamsam ng National Bureau of …

Nicolas Torre III

Vloggers/content creators, binalaan ni Torre vs fake news, imbentong senaryo

BINALAAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga vlogger at content creator na huwag magpakalat …

081325 Hataw Frontpage

3 grade 7 student nabagsakan ng debris, kritikal

ni ALMAR DANGUILAN MASUSING inoobserbahan sa Capitol Medical Center ang tatlong Grade 7 students kabilang …

QCPD Quezon City

Paslit kinidnap ng yaya nailigtas

NAILIGTAS ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 3-anyos bata habang naaresto …

Goitia

Chairman Goitia:
Katotohanan, sandata laban sa kasinungalingan ng Tsina 

SA ISANG eksklusibong panayam kay Dr. Jose Antonio Goitia, na nagsisilbing Chairman Emeritus ng apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *