Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-utol na sangkot sa ilegal na droga itinangging tauhan ng Parañaque mayor

ITINANGGI ni Parañaque city mayor Edwin Olivarez, na personal niyang body­guard ang nahuling magka­patid sa isang operasyon ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na sinabing sangkot sa ilegal na droga kamakailan.

Matatandaang ikinasa ng NCRPO sa pangunguna ni NCRPO chief Director Guillermo Eleazar ang ope­rasyon laban sa magka­patid na kinilalang sina Salah at Salman Mohamad, residente sa Ninoy Aquino Ave., San Dionisio, Parañaque City.

Hindi umano kilala ni Olivarez ang magkapatid, taliwas sa ibinibintang ng kabilang kampo na close-in bodyguard niya ang magkapatid na dinkip ng NCRPO.

Agad sinibak ng alkalde ang magkapatid na emple­yado ng Parañaque city hall matapos mahuli at mabatid na sangkot sa ilegal na droga.

Makompiskahan ang magkapatid ng baril, bala at drug paraphernalia.

Kinompirma naman ng NCRPO na mismong ang alkalde ng Parañaque ang nagpahuli sa magkapatid  dahil nabalitaan ang ilegal na gawain ng mga suspek.

Kapwa nakapiit sina Salah at Salman sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan habang nanatili sa ospital ang isa nilang kasamahan na si Allan Acmad Barudi, matapos tumalon sa bintana ng bahay na kanilang tinutuluyan nang isagawa ng NCRPO ang operasyon laban sa mga suspek.

Laking pasasalamat ng mga residente sa pagkaka­huli sa mga suspek dahil natigil ang mga transaksiyon ng ilegal na droga sa kani­lang lugar. (JAJA GARCIA)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …