Tuesday , May 6 2025

Philippine Reclamation Authority (PRA) isinailalim sa pangulo

TINANGGAL sa Depart­ment of Environment and Natural Resources (DENR) ang kontrol sa Philippine Reclamation Authority (PRA) at inalis din sa kapangyarihan ng National Economic Development Authority (NEDA) ang pag-aproba sa reclamation projects.

Inilipat sa kapang­yarihan ng Pangulo ng Filipinas ang kontrol at pamamahala sa PRA maging ang pagbibigay ng ‘go signal’ sa reclamation projects, batay sa Exe­cutive Order No. 74 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“There is a need to rationalize the approval process for reclamation projects towards an eco­nomically and environ­mentally sustainable resource development,” rason sa EO 74.

Isinaad pa, “The order also highlighted the State’s policy ‘to increase competitiveness, promote ease of doing business, and rationalize and streamline functions of agencies to facilitate efficient delivery of government services.’”

Sakop ng EO 74 ang lahat ng reclamation project kasama ang isinu­sulong ng mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensiya ng pama­halaan.

Ang kautusan ay inilabas ng Palasyo isang linggo matapos mana­wagan ang ilang mamba­batas na itigil ang reha­bilitasyon sa Manila Bay at nag-akusa sa pama­halaan na inihahanda ang 43 reclamation projects sa Manila Bay na nasungkit ng malalaking nego­syante.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

Pamilya ko Partylist

Malasakit at puso ng Pamilya Ko Partylist ibinahagi

BAGAMA’T bumuhos ang malakas na ulan sa isang  subdivision sa Woodbridge sa Pandi, Bulacan hindi …

Carlo Aguilar

Walang demolisyon sa Las Piñas  
CARLO AGUILAR, NANGAKO NG ABOT-KAYANG PABAHAY PARA SA INFORMAL SETTLERS

IPAGTATANGGOL ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas, ang karapatan ng tinatayang 10,000 …

Sarah Discaya

Kailangang Maranasan ng Pasigueño ang Totoong Serbisyong Pampubliko – Ate Sarah

Karapat-dapat ang mga Pasigueño sa tunay at konkretong serbisyong pampubliko, at hindi lamang sa tinatawag …

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

MULING inendoso ni Cong. Oscar “Oca” Malapitan ang 106 TRABAHO Partylist sa unang Distrito ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *