Thursday , April 24 2025

‘Manghuhula’ nanggoyo bagsak sa hoyo

KASONG robbery extor­tion ang kinakaharap ng isang manghuhula mata­pos maaresto sa entrap­ment operation nang pag­ban­taan na mamamatay ang kanyang biniktima at kanilang pamilya sa Caloocan City, kama­kalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si  Jesusa Cabrito, 55-anyos, residente  sa King Solomon St., Del Rey Ville, Camarin na nadakip ng mga elemento ng Calo­o­can Police Community Precinct (PCP) 5.

Dakong 3:20 pm, naaresto ang suspek sa kahabaan ng Almar, Brgy. 175 matapos tanggapin ang P4,000 marked money na kanyang hiningi sa dalawang saleslady na sina Daisy Nillo, 28 anyos; at Jesusa Nieva, 22, upang alisin ang kulam at malas sa kanilang buhay.

Ayon kay Caloocan police deputy chief for administration Supt. Ferdie Del Rosario, noong naka­raang buwan, sumang­guni sa suspek, kila­lang manghuhula sa Camarin ang mga biktima.

Humingi ng malaking halaga ang suspek sa mga biktima para sa mater­yales na gagamitin uma­no sa ritwal na naging dahilan upang magbigay ng P19,500 si Nillo noong 16 Enero habang ibinigay naman ni Nieva ang lahat ng kanyang naipon na aabot sa P19,000 noong 17 Enero 2019.

Gayonman, muling humingi ng karagdagang tig-P2,000 ang suspek sa mga biktima at pinag­bantaan ang dalawa na mamamatay sila at kani­lang pamilya kung hindi magbibigay.

Dahil dito, nagpa­syang humingi ng tulong ang mga biktima sa puli­sya na nagkasa ng entrap­ment operation na nagre­sulta sa pagkakaaresto sa suspek.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Neri Colmenares

Ebidensiyang hawak malakas — Colmenares
PROSEKUSYON KOMPIYANSA, VP SARA TALSIK SA PUWESTO

TIWALA si dating Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares na mapatatalsik sa puwesto si Vice …

042425 Hataw Frontpage

10 pulis-QC sibak sa ibinangketang ‘Marijuana’

ni ALMAR DANGUILAN SINIBAK sa puwesto ang sampung pulis ng Quezon City Police District (QCPD) …

Vico Sotto

Mayor Vico Sotto, Pinipilit na Magbigay ng Solusyon sa mga Isyu ng mga Konsehal

MATAPOS ang mga kamakailang protesta mula sa publiko, ang Alkalde ng Pasig City na si …

Joey Salceda

Mahahalagang benipisyong pamana ni Salceda para sa mga Seniors

LEGAZPI CITY – Mahalagang mga benepisyo para sa mga ‘Senior Citizens’ (SC) ang iiwanan ni …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *