Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

P1-M shabu kompiskado 3 babaeng tulak arestado

AABOT sa mahigit P1 milyong halaga ng shabu ang nakompiska sa tatlong babaeng drug pusher sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kamaka­lawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas Police deputy chief for ddministration at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) head Chief Insp. Ilustre Mendoza ang mga naaresto na sina Christina Gitag, alyas Nene, 26-anyos; Corazon Marcos, alyas Cora, 58-anyos; at Annalyn Tremocha, 23-anyos, pawang residen­te sa Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN) na nakuhaan ng 17 sachet ng shabu.

Sa ulat ni PO2 Jaycito Ferrer, dakong 11:35 pm, nang ikasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni Mendoza ang buy-bust operation laban kina Cora at Nene sa Market 3, Brgy. NBBN.

Matapos iabot ng mga suspek ang isang pack ng shabu kay PO1 Glenn Ocampo na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P2,000 marked money ay nagbigay na ng signal ang pulis sa nakaantabay na mga operatiba na agad lumusob at inaresto si Cora at Nene kasama si Annalyn.

Narekober ng mga operatiba kay Cora ang buy-bust money habang nakompiska kay Nene ang isang kahon na naglala­man ng 14 plastic sachet ng hinihinalang shabu, samantala nakuha na­man kay Annalyn ang dalawang plastic sachet ng shabu na tinatayang aabot lahat sa P1 milyon ang street value.

Patuloy ang masu­sing imbestigasyon ng pulisya sa posibleng pag­ka­kilanlan at pagka­kaaresto ng pinagku­kuhaan ng mga suspek ng ilegal na droga.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …