Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, naibigay na ang 1st batch ng pampa-good vibes na Care Bears

NAIBIGAY na ni Kris Aquino ang first batch ng Care Bears stuffed toys na ipinangako niya sa kanyang Instagram followers at supporters. Personal pang ipinadala ng staff ni Kris sa KCAP na sina Jack Salvador at Fonzi ang Care Bears sa unang limang masuwerteng IG followers na napili ni Kris.

Nag-comment ang mga ito sa Care Bears post ni Kris.

Sa video clip nga na ipinost ni Kris sa kanyang IG ay kitang-kita ang kasiyahan ng kanyang supporters sa pagtanggap ng Care Bears.

In line sa kanyang advocacy na women’s empowerment, limang babaeng IG followers ang napiling unang bigyan ni Kris. At katulad ni Kris na may autoimmune disorder, karamihan sa nabigyan ay humaharap din sa iba’t ibang health challenges. Isa rito ay nagkaroon ng foot injury at nakasaklay pa.

Mayroon ding nakikipaglaban sa kondisyon niyang hypothyroidism. Mabuting kaibigan naman ang isa. May working mom din. At ang isa ay buntis pa na mayroon ding autoimmune disorder.

Lahat sila ay puno ng pasasalamat sa pagbabahagi ni Kris ng good vibes at inspirasyon sa kanila bukod pa sa regalong Care Bears.

Ayon nga sa caption ng IG post ni Kris, “i was nervous about my videocon earlier so didn’t sleep much. posting this now because i’m sure TULOG ako ng at least 16 hours.

“they were the 1st batch of recipients. yes this #swiftie now has a Katy Perry song she loves: BY THE GRACE OF GOD.

“i am blessed because @jacksalvador & @fonziru were happy to deliver the CARE BEARS from Laguna all the way to Pampanga. From my heart, THANK YOU for making it heartwarming for me to be a cheerful giver.

“Lahat tayo may iba’t iba, at kanya kanyang pagsubok sa buhay- in this instance i am choosing to honor women with health challenges who are keeping the faith and not losing hope because i want to inspire others to not give up on themselves regardless of their current circumstances. #lovelovelove #laban.”

ni GLEN P. SIBONGA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …