SINUBAYBAYAN ni Kris Aquino ang pilot episode ng bagong teleseryeng pinagbibidahan ni Angel Locsin sa ABS-CBN, ang The General’s Daughter noong Lunes, January 21. Todo ang suporta ni Kris kay Angel, na isa sa mga itinuturing niyang totoong Kapamilya at kaibigan.
Ilang beses nang ipinaramdam ni Angel ang pagmamahal at concern kay Kris gayundin ang pagtatanggol laban sa bashers. Sinuportahan din ni Angel ang pagbabalik-pelikula ni Kris sa I Love You, Hater sa pamamagitan ng pagpapa-block screening ng pelikula katuwang ang isa pang anak-anakan ni Kris sa showbiz, si Kim Chiu. Kaya naman matinding suporta at pagmamahal din ang ibinabalik ni Kris kay Angel.
Ipinost pa ni Kris sa kanyang Instagram (@krisaquino) ang video clip ng aktuwal na panonood niya at ng anak na si Bimby ng The General’s Daughter at nasa caption nito ang mga papuri niya kay Angel at sa iba pang cast gaya nina Maricel Soriano at Arjo Atayde.
Mababasa rin sa IG post ni Kris ang kanyang review sa teleserye ni Angel. May konsepto pang ibinahagi si Kris na pwedeng pagsamahin sina Angel at Coco Martin sa isang action movie para sa Metro Manila Film Festival 2019.
Ayon sa IG post ni Kris, “100% support for @therealangellocsin. (P.S. Awesome, West Philippine Sea)… oh my, ATE MARY is in the pilot! Thanks @bincailuntayao for shooting.
“#lovelovelove overload. my review 1st, OBVIOUS SUPER GINASTUSAN. Mahal na pilot. 2nd, HINDI FORMULA, direcho agad, walang flashback sa batang Angel. 3rd, Ate Mary brings out the authentic vulnerability in co actors when sharing scenes with those she likes & respects (ako po si snow white nya). 4th Sobrang EFFECTIVE ni Gel sa action scenes- EFFORTLESS because her tough girl athleticism is in born. 5th i know mababaw, but yung dimples ni Arjo. That’s why Ate Sylvia is so blessed. 6th Napakahusay ng @dreamscapeph location manager, FRESH lahat sa paningin. And 7th, @montie08 maniningil ako for this concept: MMFF 2019 perfect combination @therealangellocsin and @cocomartin_ph in an action movie with cross over appeal, like the OCEAN’s movies or Mission Impossible. Good Night.”
ni Glen P. Sibonga