Friday , May 9 2025

Pinoys ban sa USDHS

HINDI naging maganda ang balita sa mga Pinoy, makaraan i-ban ng United States Department of Homeland Security ang Filipinas sa pagbi­bigay ng eligibility sa H-2A at  H-2B working  visas sa loob nang isang taon kaugnay ng proble­ma sa overstaying at human trafficking.

Pinaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy partikular ang mga nasa  Estados Unidos na hangga’t maaari ay sun­din ang patakaran ng immigration at iwasan ang manatili nang higit sa itinakda ng kanilang visa.

Payo sa mga Pinoy, sundin ang itinalagang petsa sa kanilang visa para sa pananatili nila sa America at huwag mag-overstay.

Ang paalala ng ahen­siya ay dahil na rin sa hakbangin ng United States Department of Homeland Security na tanggalin ang Filipinas sa kanilang listahan para sa pagbibigay ng working visa.

Ayon sa DFA, dahil prerogative aniya ng America ang pag-iisyu ng visa, handa naman aniya silang magbigay ng tu­long sa mga Pinoy na maaapektohan sa nabanggit na polisiya partikular ang nananatili sa nabanggit na bansa.

Ang H-2A visas ay iniisyu ng Estados Unidos sa mga foreign agricul­tural workers, samantala ang H-2B visa naman ay iniisyu para sa non-agriculture workers.

Napag-alaman na 40 porsiyento na inisyuhan ng H-2B visa mula sa Filipinas ay overstaying mula noong 2017.

Nabatid, ang pag-ban ng America sa Filipinas para sa nabanggit na work­ing visa ay epektibo noong 19 Enero 2019 hanggang 18 Enero 2020.

Ang naging hakba­ngin ng America ay bun­sod ng usapin na may kaugnayan sa over­staying at human traf­ficking. (JAJA GARCIA)

 

 

About Jaja Garcia

Check Also

Abby Binay Nancy Binay

Abby Binay ‘much better’ matalo sa Senado kaysa manalo si Nancy sa Makati

TILA ‘much better’ pa kay Mayor Abby Binay na matalo sa Senado at mabigong makapasok …

ACT-CIS Partylist

ACT-CIS Partylist nakapaghatid ng mahigit P1.4-B serbisyo sa 300k plus Filipino sa isang taon

BILANG patunay ng matibay na adbokasiyang mailapit ang serbisyo publiko sa mamamayan, matagumpay na naipamahagi …

Erwin Tulfo

Sa pinakabagong SWS survey
ERWIN TULFO, CONSISTENT FRONTRUNNER SA SENADO

ILANG araw bago ang eleksiyon sa Lunes, 12 Mayo, patuloy na nangunguna sa karera sa …

050925 Hataw Frontpage

Habemus Papam

HATAW News Team HINIRANG na ang bagong Santo Papa ng Simbahang Katoliko. Kahapon, 8 Mayo …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *