Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Perci, may apela sa MTRCB

RATED R-18 with cuts by the MTRCB ang Born Beautiful. Pero umaapela pa sa MTRCB ang direktor nitong si Perci Intalan na gawing R-16 ang rating nito para mas marami pang sinehan ang makapagpalabas nito at mas maraming tao rin ang makapanood.

Ayon kay Direk Perci, “Well, I’m thankful na you know may nagsabi sa akin na open naman for discussion ulit ang board ng MTRCB. So, sana, fingers crossed ako na sana. Kasi mayroong situwasyon na unusual on January 23, iisa lang ang Filipino film na magbubukas and that is ‘Born Beautiful.’ ‘Pag ang ‘Born Beautiful’ R-18 may isang malaking cinema chain (SM Cinemas) na walang Filipino film na bago on January 23. Can you imagine that? Dahil diyan sa sitwasyon na iyan, nag-open ulit ang MTRCB ng opportunity for dialogue, I think sa Monday (January 21). And sana ma-reconsider nila para at least maipalabas tayo sa lahat ng mga sinehan.”

Sinabihan ba sila ng MTRCB kung ano pa ang pwede nilang gawin? “Sa pagkakaalam ko, wala naman silang sinabing kailangan pa naming putulin. Ang natitira na lang talaga is language. Kasi ang nasa isip ko ‘yung theme wala na naman siyang bago dahil  you knowLGBTQ movie, ‘di ba? Pero ‘yung language, sabi ko nga ‘yung language na-bleep na karamihan. So, titignan ko kung mayroon pa bang dapat i-bleep. Pero otherwise okay na siya eh.”

Umaasa si Direk Perci na may maganda silang ibabalita sa mga tao kaugnay ng apela nila sa MTRCB bago pa mag-showing ang Born Beautiful sa January 23.

ni Glen P. Sibonga

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …