Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
oil lpg money

Illegal refilling station ng LPG sinalakay

DALAWA ang inaresto ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) nang salakayin ang sinabing illegal refilling station ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Caloocan City.

Sa bisa ng search war­rant na inisyu ni Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 123, ni-raid ng mga elemento ng NPD Special Operations Unit (DSOU) ang Zach Market­ing na matatagpuan sa kahabaan ng Tulingan St., Brgy. 14 Libis Espina dakong 7:30 ng gabi.

Inisyu ang search warrant base sa reklamo ng Isla LPG na kinaka­tawan ng isang Jonathan Dulay kontra sa Zach Marketing na umano’y nagre-refill ng fake LPG.

Inaresto ng mga elemento ng DSOU ang cashier na kinilalang sa Mariecon Balicao, 19, at Elimar Matero, 29, driver, kapwa residente sa Tulingan St. Brgy. 14, Libis Espina.

Nakompiska ng puli­sya ang anim pirasong 11 kilogram ng Solane LPG cylinders, isang Isuzu elf closed van na gamit sa delivery at isang logbook.

Kasong unfair com­petition under RA 8293 or the Intellectual Property Code of the Philippines ang isinampa sa mga naaresto.

Patuloy ang follow-up operation ng mga awtoridad sa ikaaaresto sa may-ari ng company.

(Rommel Sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …